12-A SPECIAL DAY

841 54 18
                                    

Morning has broken…

They were at the minitheater.

Kumakanta iyong dalawang bata habang tumutugtog ng flute ang ikatlong bata. Siguro ay ito iyong tumutugtog kanina habang nasa labas pa ng gate sina Gene at Niche. Akala niya pa naman horror sound effects lang iyon na parte ng hallucination ng creepy mind niya kanina. Totoong plauta pala iyon, at totoong bata na magaling magflute ang may hawak nito. Galing!

Matapos ang kanta ay nagsialisan sa stage iyong mga batang babae at natira ang mga batang lalake para kantahin ang isang kantang umantig sa kanyang puso.

If there’s one more gift, I ask of You Lord, it would be peace here on earth, as gentle as Your children’s laughter, all around, all around…

Napatingin siya kay Gene. He was seating in front, eagerly watching the children performing on the stage.

 Magiging peaceful na kaya talaga sila nito?

Kung oo, sana forever na. Kung hindi, sana wala ng bukas.

Napansin naman yata ni sister na kanina pa siya walang kibo kaya lumapit ito sa kanya. “Okay ka lang ne?”

Ne? She hates being called that way! Mukha ba talaga siyang nene? Hayy. No wonder, kaya siguro hindi siya napansin ni Kayge kahit kelan.

“Okay lang po sister.”

“Sige alis muna ko ha? Ayusin ko lang muna iyong mga pagkain.”

Ano ba talagang meron? Okay, parang si Niche lang ang di makarelate sa sitwasyong ito. Halata naman kasing nag-eenjoy iyong mga tao rito, most especially Gene na patawa-tawa now and then. Masaya rin naman ang mga bata kasi mukhang gusto nila ang ginagawa nila kaya lang ano ba talaga ang meron sa araw na ito? Para saan ang pagtitipon, ang performance at ang mga pagkain??

Gigigwiyomi! Gigigwiyomi!

Wala na sa entablado iyong mga batang lalake at sa halip ay iyong mga batang babae naman ang nagpapakita ng kanilang galling magpacute sa Gwiyomi, tapos perfect pa ang entrance ng isang batang nakahood na biglang hinubad ang suot para ireveal ang pang-ilalim na jersey na may number one. May dala rin nga pala itong bola. Pormahan pa lang at tindig nito, para nang si Gene. Hindi naman siya nagkamali ng akala na ipinoportray nito si Gene dahil bigla itong kumindat kay Gene at nagdribble. Para namang nagpapacute na mga chicks ang girls sa batang Gene.

Malulutong ang tawa ni Gene na nasa unahan niya. Gusto niya sanang itanong dito kung ano ang okasyon pero nahiya naman siyang gambalain ang moment nito. Baka sabihin pang panira siya. Maganda naman talga kasi ang palabas. Medyo OP siya pero ayos lang.

For once in her life, he saw Gene happy as a kid. Hindi ito iyong Gene na poker face o kaya ay laging nagsusungit sa kanya. He looks better for her this way.

Bigla siya nitong nilingon. “Hey? ‘You okay there?”

“Yeah, I’m definitely fine.”

Mukhang hindi ito nakuntento sa sagot niya kaya lumipat ito sa katabi niyang upuan. Kinapa pa nito ang noo niya. “You’re right when you said you were fine. Hindi ka na namumula.” Kung alam lang nito kung bakit siya namula kanina! Idiot, she thought. “Are you enjoying the show?”

“Of course. Magagaling sila ha. Mukhang malapit na malapit ka sa kanila.”

“Hmmn, let’s just say na matagal na kaming close ng mga iyan.”

“Kaya pala dito ka tumatambay. Kilalang-kilala ka nga ng kids oh. Pati panchichicks kuhang-kuha haha.” Tinutukoy niya iyong pagportray ng mga bata sa kanya.

War with the Pointguard (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon