Hello po sa mga readers ng story na ito!! ^.^ Pasensya na po sa turtle update. Hindi ko po kayang isabay sa demo ang pagsusulat nito. I never thought demo teaching is so difficult. Sabi kasi ng friend ko para lang daw na nagrereport, pero nung ako na mismo ang nasa unahan, napag-isip-isip ko, iba pala ang demo kasi convo siya hindi gaya ng report na monologue. Ilang gabi ko rin iyong pinagpuyatan sa kakaplano at kakaprepare. Tapos sumunod pa ang exams. Pasensya na po talaga. Please bear with me po. Pasasaan ba at matatapos ko rin ito. Tiwala lang. Anim na chapters to go. Konting push pa.
^.^ Magpatuloy tayo. ^.^
Ikinatuwa ni Niche nang dumalaw si Jeev nang sumunod na araw. May mga dala itong prutas at maraming maraming kwento.
“Wala kang dapat ipag-alala sa team, kayang-kaya na naming tapusin ang 6th game kahit nagpapagaling ka pa rito,” sabi ng lalake para tapusin ang pagkukwento.
“Para mo na ring sinabi na wala akong kwentang manager,” iningusan niya ito nang pabiro.
“Hindi ah, mukha ngang may kulang pag wala ka, walang kakulitan si Gene.”
Chismoso rin ang loko! “Andun ka naman ah,” biro niya ulit.
“No fun kung kami lang, mas maigi pa rin na andun ka, kasi nawiwindang yun pag present ka sa field.”
“Ano ako? Distraction?” Napangisi na lang si Jeev sa sinabi niya. “Pero seryoso ha, miss ko na nga ang mokong na iyon,” malungkot na sabi niya.
“Iyon naman pala eh, tawagan mo kaya,” suhestiyon ng kaharap niya.
“Hindi naman kaya niya ko sumbatan? Baka hindi niya ko mapatawad…”
“Bakit ka naman niya susumbatan? Mahal ka nun, ano ka ba? You’re his turning point, his inspiration, kaya malabong hindi ka niya patawarin, kahit pa ano ang dahilan. Ako lang ata tong naniniwala sa sinasabi ko eh.” Nakataas ang kilay nito sa kanya sa pag-aakalang hindi siya nakikinig.
“Naniniwala rin naman ako kaso natatakot akong mareject, baka bumawi siya dahil sa ginawa ko.”
“Na alam kong hindi mo naman sinasadya.” Tinapunan niya ito ng mapantanong na tingin. “Natanong ko kay Pam nung nasa locker ang buong team, at kinwento niya lahat.”
“Andun din ba si Gene nung magkwento si Pam?”
“Wala, nag-away kasi kami nung game sa CSPC. Ipinagpipilitan niyang ipasa ko ang bola eh injured na kaya siya. Tapos nung magback-out yung tao, saka nagkwento si Pam.”
“Injured? Kumusta na siya ngayon?”
“Okay na siya, kelangan lang daw ng pahinga ng kanang paa niya,” sabi ni Jeev na nakapagpaluwag sa loob niya.
“Mabuti naman. Jeev, intindihin mo na lang sana siya, para na rin sakin. Alalayan mo siya sa game bukas laban sa Mariners,” sabi ni Niche hawak ang braso ni Jeev.
Natutuwa namang sumang-ayon si Jeev.
Marami-rami pa silang napag-usapan bago ito umalis.
Niche has never felt so dumb in her life, stuck in a hospital that is.

BINABASA MO ANG
War with the Pointguard (COMPLETED)
Novela JuvenilPumasok siya sa Greyhounds dahil sa super mission niyang mapalapit sa crush niya, pero nanatili siya roon.. dahil sa mortal enemy niya!!?? Isang BIGLANG LIKONG LOVESTORY ng isang ordinary schoolgirl in search for her knight in shining ball.