Dedicated po sayo kasi nagfollow ka sakin tas binasa nyo na rin ito kahit nabasa niyo na iyong ilan sa draft nito hehe.. Thanks classmate.. ^.^
DISCLAIMER:
The names that I used in this story are purely fictional. I do not own them and they are in no way, related to the lives of persons having the same name.
Shall we start?
“Ahm, Gene, saan ba iyong sinasabi mong tambayan? Simbahan kaya ito,” nagtatakang tanong ni Niche.
“Alam ko, bakit masama bang tumambay dito? Sinabi ba sa constitution na bawal magstay dito?” pilosopong sagot ng lalake.
“Tss, dami mo ng sinabi para nagtatanong lang,” pinagpagan niya ang suot na damit.
“Bumaba ka na po kaya. Baka naman gusto mo pang kargahin kita dyan.” Heto na naman po sila. Kahit kelan talaga.. Kung bakit pa kasi siya sumama rito. “Ano? Bababa ka ba o bababa?”
“Eh ano ba kasing gagawin natin dito?”
He smirked. “Pakasal tayo, gusto mo?”
“Kainis to. Nagtatanong ng maayos ang tao eh. Respeto naman oh, alang-alang man lang sa human rights ko.”
Mapanuring tingin ang itinapon nito sa kanya. “Ah talagang may ganun? Ikaw Ms. Hernandez huwag mo kong maturuan ng polsci dyan ha?”
“At ikaw Mr. Ragodon huwag mo kong masukat ng tingin dyan at hindi ako mathematical equation sa engineering.”
The challenge is on. Kandatitig sila. Gyera na naman to and for sure, walang gustong magpatalo. Gyera pa rin kaya, kung makialam na ang kanilang mga puso?

BINABASA MO ANG
War with the Pointguard (COMPLETED)
Teen FictionPumasok siya sa Greyhounds dahil sa super mission niyang mapalapit sa crush niya, pero nanatili siya roon.. dahil sa mortal enemy niya!!?? Isang BIGLANG LIKONG LOVESTORY ng isang ordinary schoolgirl in search for her knight in shining ball.