5-SIDE EFFECTS OF HER FIRST KISS

1K 61 39
                                    

Dedicated po sayo kasi talagang nagtatyaga kayo sa paghihintay sa updates nitong WWTP.. Sana po masatisfy ko ang reading needs niyo.. Salamat sa pagbasa.. ^.^

Hapon pagkatapos ng first game ay naiwang mag-isa si Niche sa locker room. Armie called and she picked up. “Hello Mhie!! I have good news for myself!! Ha-ha-ha! Pam asked me to be the manager of Greyhounds!! Isn’t it great?”

“Oo na, puro ka tili dyan, hina-hinaan mo naman kahit konti ang boses mo..nagrereklamo na ang eardrums ko..” complaign ng nasa kabilang linya.

“Sorry, can’t help it!! Tingin mo sis, papayag ba ako?”

“Nagtanong ka pa eh alam ko namang buo na ang desisyon mo.”

Napatawa siya sa sinabi nito. Tama nga naman. Isa lang naman kasi ang ibig sabihin kapag tinanggap niya ang offer ni Kayge at iyon ay ang makasama niya ito nang matagal dahil magiging official member na siya. “Oo na po, eh gusto ko kasi na kahit papano, lumapit-lapit naman ang level ko sa fafa ko.. Tsaka love ko na rin naman ang basketball..”

Nung maliit pa lang siya ay hilig niya lang panoorin ang mga laro dito pero ngayon na kasama na siya mismo sa isang basketball team ay marami na siyang iniisio tungkol dito. Strategies. Skills. Training. Victory. Pinag-aaralan niya ang bawat taktika ng mga players sa field. Kasama na rin siya sa pagpaplano ng mga deadly moves.

Bago pa siya makapasok sa team ay wala siyang ibang inisip kundi ang mapalapit sa captain nito pero habang tumatagal ay lalo siyang nagkaroon ng interes sa larong basketball. Ngayon ay naiintindihan niya na ang sinabi noon sa kanya ni Gene nung sumasali pa lang siya sa team. Hindi basta laro ang basketball.

“Asus, iba ka talaga. Pero sana pag-isipan mo pa rin friend, mahirap gumawa ng desisyon nang padalosdalos. Ikaw rin, hindi natin alam ang mga susunod na pwedeng mangyari.”

“Salamat sa concern Mhie, pero diba ikaw pa nga nakaisip na sumali ko sa team? Nasimulan ko na rin lang eh. Bakit pa ko aatras? Gusto kong malaman kung hanggang saan ang kaya ko.”

“Ikaw ang bahala, basta ha? I already warned you.”

“Fine, thanks again, pero may tampo ako saiyo dear. Akala ko pa naman sabay tayong uuwi ngayon. Bakit bigla ka na lang nawala kanina?”

Ilang saglit bago nakasagot ang nasa kabila. “P-pasensya ka na kung hindi kita nahintay, Niche. I just needed to go home early.”

“Okay, no problem.” Somehow, she wonder why bigla na lang na nawala ito kanina. “Sige ha? May gagawin pa kasi ako. See you tomorrow.”

Matapos magpaalam ang kaibigan sa kabilang linya ay napansin niya ang isang blackberry phone na nakapatong sa isang upuan. Pamilyar iyon sa kanya. Naalala niya noong natapunan ng Capuccino ang necktie ng school uniform niya.

Malamang ay naiwan ito ng isa sa mga players kaya hinayaan niya ito roon para kung sakaling may bumalik at maghanap ay nasa dati iyong kinalulugaran. Nagdesisyon siyang huwag munang umuwi para hintayin ang may-ari nito. Mahirap nang mawala ito pagkaalis niya at baka siya pa ang mapagbintangan ng may-ari nito.

Nang makapagpalit ng damit at lumabas ng locker room ay sinolo niya ang court hawak ang isang bola. She is wearing a sleeveless white shirt and her newly bought jersey shorts na may nakalagay pang number four. Mayamaya pa ay may narinig siyang mga yabag palapit sa gym. Hindi na siya nagulat nang makitang si Gene iyon.

“Oh,hey!” Parang ito yata ang nagulat pagkakita sa lay-up niya. Pasok ang bola. Hindi nga siguro siya magaling sa larong basketball pero marami siyang alam tungkol dito at samahan pa iyon ng pagkuha niya sa P.E. under Mr. Gontang’s basketball class. Marami siyang natututunan roon, gaya na lang ng dribbling, passing and shooting.

War with the Pointguard (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon