LIARS GO TO LOVE

339 11 0
                                    

Cheene Abonalla’s POV

Can you live without feelings? Yeah, just keep telling that to yourself.

They say that when you say things over and over again, it becomes what your heart say, or something like that.

Christmas na naman. Lahat ng friends ko may kanya-kanya ng lovelife. Ako na lang ang wala-si Chix Cheene Abonalla. Baka maniwala kayo na kasali sa name ko ang chix, hindi kaya. Off topic.

Kasama na naman siguro ako ngayon sa SMP as in Samahan ng mga Magbabalat ng Patatas este Samahan ng Malalamig ang Pasko.

I missed..how being inspired feels like.

Ano iyon? Untot ng bola?

“Aw!” Tinamaan ako.

“Oops miss, pasensya ka na ha? Hindi ko alam na may dumadaan dito ng ganito kaaga.”

“A e..” Aray! Tinamaan talaga ako.

There’s no mistaking it, he’s the man I love..to watch playing basketball in school.

“Jeev Barrosa pala, sigurado ka bang okay ka lang?”

Tumango ako. “Kilala kita, pareho tayo ng school.”

“UNC?”

Tumango ulit ako. “Bakit parang hindi ka makapaniwala?”

“Parang..” He paused for a while before proceeding. “..hindi naman kasi kita nakikita roon.” Aw! Is that all what he’s gotta say after I watched all of his games?

Change topic na nga lang. “Bakit ka pala naglalaro mag-isa dito sa basketball court sa barrio e ang lawak-lawak nung Sports Palace sa school. Saka kundi ako nagkakamali, araw-araw naman kayong mayn practice diba?”

“Huwaaaw!! Ang dami mong alam tungkol sa team.”

“Dalawang bagay lang iyon tapos marami na?” I stuck out my tongue.

He chuckled. “You’re funny. I like that personality. Hehe.” Appreciative pala siya? Yiiii.

“Thank-”

Biglang tumunog ang cp niya. Bwiset hindi man lang pinatapos ang thank you ko.

“O Boojie, namiss kita, musta na? Okay baby Booj pupunta ako.”

Baby? Bakla ba ito? Panlalakeng name ang Boojie diba? Pwera na lang kung aso iyong kausap niya, pero haler? Paano makakatawag ang aso? O baka ako lang ang nag-iinaso dahil ang sweet nilang mag-usap sa phone? Sinong may alam nung Cheene and the Jelly Bean Factory?

“O paano, aalis na ako ha? Ano nga palang pangalan mo?”

“Niche,” sabi ko. There’s no point in giving him my real name. After all, he’s gay and he already has someone he’s interested with, maybe his lover.

“Your name is familiar, but I got to go.”

“Oi, paano itong bola mo?”

“Ay oo nga pala.” Bumalik siya para pulutin iyon, only top hand it to me.

“Remembrance ng first meeting natin.” He flashed a smile before he finally went away.

Lalo tuloy akong nadismaya. Sabi nga nila, you can never tell when you’re lonely until you feel it.

Sayang talaga siya. Haish.

War with the Pointguard (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon