14-TIME TO GO, TREAT ME

662 54 18
                                    

This can’t be happening!

Naaamaze siya sa dati niyang mortal na kaaway? Duh!

Matapos ang nakakaaliw na panonood sa fireworks display, minabuti ni Niche na pumunta sa may ref para kumuha ng tubig.

“Ate, masaya po ba kayo dahil andito kayo ngayon?” Sinundan pala siya ni baby Shem.

“Syempre naman. Bakit mo naitanong?”

“Kanina pa po kasi kayo tahimik. May iniisip ba kayo?” Napansin pala nito.

“Wala naman. Nag-eenjoy nga ako rito eh.” But deep inside, her conscience is eating her up. A year ago, ang sama niya. Nasira niya iyong palawit na bigay ni Powee kay Gene. Special pa naman pala it okay Gene. Besides, there’s something strange about this kid. She doesn’t know, but it bothers her a lot. Hay naku.. “What do you know about Powee? I mean, matagal na ba siya rito?”

“Opo.”

“Bakit andito siya?”

“Hindi po namin alam. Iba-iba po ang dahilan namin kung bakit kami napunta rito. Ang alam ko po, palaging nilalamig si Powee at hindi siya pwedeng mapagod nang husto. Madalas siyang manghina nitong mga nakaraang buwan, kaya bihira siyang lumabas. Nagpumilit lang nga po siya ngayon para makita si kuya Gene. Siya po kasi ang pinakaclose kay kuya rito.”

“Niche?” Balyenang sinuman! Meron ba nun? Nakakagulat naman itong si Gene. Muntik niya nang maibuga ang iniinom niyang tubig.

“Gene? Bakit?”

“Tulungan mo naman akong patulugin ang mga bata.”

“Ha?”

“ Ikaw sa boys, ako sa girls. Tara na Shem.” aya nito sa batang kasama niya at naglakad na ang dalawa.

Seriously? Para silang may malaking pamilya sa lagay na ito. Hehe. “Okay..”

Sabi ni Gene, pagkatapos ni sister painumin ng gatas ang mga bata, pagsepilyuhin ng mga ngipin at papuntahin sa kani-kanilang tulugan, kailangan niya lang basahan ng storybook ang mga ito para tuluyan nang makatulog pero hindi pa rin antok ang mga ito matapos niyang basahin ang Jack with the Beanstalk.

“Ate, kayo po ba ni kuya Gene?” tanong agad nina Jude at Jules sa kanya. Kambal pala ito. Bakit hindi niya nahalata kanina?

“Hindi ah. Bakit niyo naman naitanong?”

“Kung hindi po, pwede ako na lang?” tanong naman ni Eljhun.

“Ano ka? Ako na lang ate Niche no?” bira ni Phean.

“Hindi naman ata ako makapapayag dyan. Ako kaya ang pinakagwapo rito,” sabi ni Lau.

“Anong ikaw? Ako kaya,” diin ni Diomz.

“Shhh! Ang babata niyo pa para dyan.”

“Kung si kuya po ba, pwede na?” tanong ni Jude.

“Ate Niche, sana magkaedad na lang po tayo,” pangungulit pa rin ni Jules.

“Kayo ha? Pinagtitripan niyo na naman ang ate Niche niyo,” sabi ng lalake at biglang umakbay sa kanya.

“Kuya Gene, akala po namin umalis ka na.”

“Pwede ba namang iwan ko ang ate niyo rito? Malulungkot siya kapag wala ako, diba?” baling nito sa kanya. Hindi niya naman alam ang isasagot dito.

War with the Pointguard (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon