7-HIS CROOKED WAYS

930 57 39
                                    

Dedicated po sayo kasi trip ko lang hehe.. Pero salamat sa follow ha? Ginanahan ako mag-UD nito.. ^.^

So let's continue...

Sa AMS Lobby, pagkatapos ng klase ay kinausap si Niche ng kanyang mga kaibigan tungkol sa nangyari.

“Tingin ko kailangan mo na talagang umalis sa Greyhounds na yan sis. Dalawang bagay lang yan e. If your happy, stay. If you’re not, then leave,” advice ni Armie.

“Oo nga naman friend, Pol.sci. tayo, wag ka papayag na basta na lang magpaapi sa mga iyon,” komento ni Angelyn. “No exceptions, kahit pa iyong totoy na kinakapatid ko.”

“Sayang no? Ang wawafu pa naman.. Kumusta naman si fafa Zyren mo Armie? Di kaya ganun din iyon? Hala ka,” panunukso ni Cheene.

“Shh! Problema ni Niche ang issue dito.” Halatang umiiwas itong pag-usapan ang tungkol sa fafa Zyren nito. “Kailangan natin siyang tulungan na makapag-isip kung anong dapat gawin.”

“Jack-en-poy na lang tayo. Ano ba chioices?” hirit ni Angelyn.

“Kung dapat pa bang manatili si Niche sa Greyhounds,” ayon kay Armie.

“Kung ganun tingin ko mas maganda kung toss coin na lang para fair, walang daya,” suggestion ni Cheene.

“Hmm, hindi rin, alam ko na.. Tutal Pol.Sci naman tayo, bakit di natin gamitin ang concept of democracy? Pagbotohan na lang nating tatlo, tapos si Niche na ang bahala kung susundin niya o hindi,” sabi ni Armie na pinaboran naman ng dalawa.

Ginagawa niyo namang joke ang problema ko,” reklamo ni Niche.

“Hindi ah, tumutulong nga kami eh. Hindi ka kasi makapag-isip mabuti, ayaw naman naming pangunahan ka, hindi rin pwedeng isa lang samin ang magsasabi sayo kung anong dapat gawin, kaya idaan natin dito.”

Pakatapos ng mahabang usapan ay natapos rin ang botohan at ang pagsasaad ng mga dahilan kung bakit iyon ang payo nila kay Niche.

Umalis na sa team. Iyon ang payo ng dalawang kaibigan niyang si Armie at si Angelyn habang manatili naman ang ayon kay Cheene. Somehow she knew it’s kind of bias because one, she’s now the manager of the team and she has gone well, two, the team is now towards finals, and three, she didn’t even tell her friends about what happened between Gene and her. She feel bad about it. Nang nakaraang gabi ay halos hindi siya makatulog kakaisip.

Marami pa siyang gustong gawin sa team. Gusto niyang maging kapakipakinabang dito hanggang sa finals. Marami pa siyang gustong malaman, at kasama dun ang tungkol sa kanila ni Gene. Hindi niya alam kung ano o paano nangyari. Basta na lang itong sumusulpot sa sitwasyon na kailangan niya. May kung anong hindi maipaliwanag dito na parang humihila sa kanya. Kakaiba ang lahat ng pangyayari kapag ito ang kasama niya nitong mga huling araw. Hindi niya akalain na kung sino pa iyong hindi niya dati kasundo, iyon ang nakakaintindi sa kanya. Ganoon nga ba iyon? Para kasing ang laki ng gusto niyang matuklasan tungkol dito. Hindi niya talaga alam, basta ang nasisiguro lang niya, hindi na ito masyadong nakakainis ngayon.

Teka nga lang, bakit ba puro na lang tungkol  kay Gene ang iniisip niya? Eh ang dahilan kung bakit siya nagkakadilemma sa pananatili sa team ay si Kayge. Nang malaman niyang may ibang babae na itong mahal,para siyang sinaksak ng mapurol na kutsilyo, hinay-hinay at damang-dama ang sakit, parang torture..kaya nga hindi niya na maimagine ang sarili na magstay sa Greyhounds. Pareho ang standing ngayon ng UNC at NCF, wala pang kahit isang talo at nasisiguro niya na ang dalawa ang magkakaharap sa finals. Kinakabahan siya sa maaaring mangyari at hindi niya alam kung anong gagawin lalo at si Aileen ang manager ng kabilang team.

War with the Pointguard (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon