Dedicated po sayo ate Karla kasi nainspire ako magsulat nito dahil sa inyo. Sa lahat po kasi ng followers ko, ikaw ang nakikitaan ko ng sarili ko. Char, madrama akes.. Actually kasi ikaw lang po nakita ko sa kanila na merong work sa wattpad.. Writers are writers.. I believe na mapasikat man o hindi, we are born to share what we have..
So, simulan na natin ang kwento.. (*.*)
^.^ ------------ ^.^
“Go Pam! Ishoot mo na yan!!!”
Umaalingawngaw sa buong gym ang cheer ng isang grupo ng girl fans ni Kayge “Pam” Palmiano habang bumibida ito dala ang bola palapit sa ring. Ilang segundo na lang ang natitira bago matapos ang game at lamang ng isang punto ang kalaban. UNC versus Ateneo. Championship game iyon sa sectoral division, last game ng taon para sa UNC Greyhounds. Hanggang dito na lang kasi umaabot ang team mula nung lumipat ang manager nitong si Aileen sa NCF Tigers. Ninakaw nito ang records ng gym at itinuro pa sa kabila ang lahat ng ball strategies nila kaya hindi rin nagtagal ay ito na ang naging champion sa nationals.
Bumulusok padausdos ang career ng Greyhounds Basketball Team at ang mga regular members na lang ang natira. Muntik pa nga itong magsipag-alisan pero isang miyembro nito ang nagtayo ng determinasyon para magpatuloy. Iyon ay ang pointguard na si Gene. Pero napabayaan na rin ang gym dahil sa kakulangan sa fund. Mas mataas kasi ang premyong ibinibigay sa regionals kumpara sa sectorals at dahil sa huli na lang sila sumasali ay kaunti lang ang naiuuwi nila at tamang-tama lang yun para sa pagmaintain sa gym. Pero ang facilities nito ay lumang-luma na kaya nga taun-taon ay sinisikap nilang mapanatili ang pagiging kampeon sa sectorals para hindi tuluyang ipasara ng direktor ang gym. Bukod doon ay alam naman kasi nilang wala na silang ibang patutunguhan.
Isushoot na nga sana ni Kayge ang bola pero umepal yung dambuhalang player ng kabila. Nawala sa balanse si Kayge at tumumba. Hindi na nito nahabol pa yung damuho pero mabuti na lang at naging maagap si Gene. Naagaw nito ang bola at agad na naidakdak sa ring. Pasok! Malakas na hiyawan ang sumunod. Nakakatuwa na marami pa ring sumusubaybay sa Greyhounds kahit pa marami na itong pinagdaanang hindi maganda. Noon tumunog ang buzzer hudyat na tapos na ang laro. Panalo sila ng isang puntos dahil kay Gene pero hindi nakaligtas sa paningin niya ang matinding pagkadismaya ng apat na cheerers ni Kayge. Isa sa mga ito ang anak ng direktor na si Niche Hernandez. Nag-boo sign pa ang mga ito sa kanya bago nagsialis sa bleachers.
Pagkatapos ng laro ay may mga nagsilapit para magpapicture o di kaya ay magpa-autograph. Abala si Kayge sa interview, habang nakangiti naman si Gene dahil sa request ng isang batang lalake na magpapicture matapos siyang papirmahin sa note pad nito. Binigyan pa siya nito ng maliit na bolang palawit kagaya ng nakakabit sa bag nito. Dama niya kung paano niyon pinaglalabanan ang sakit na brain cancer habang hawak niya ang ibinigay nito at pinagmamasdan niya itong palayo sa kanya. Timing naman na may bumangga sa braso niya na isang grupo ng mga babae na nagmamadaling lumapit sa isang co-player niya na paglingon niya ay si Kayge pala na katatapos lang magpa-interview.
“Pam, pa-autograph naman oh, tsaka papicture please,” sabi ng isa at nagsiabot ang mga ito ng note pads. Ito rin yung grupo ng girl fans na nag-boo sa kanya kanina!
“Ang galing mo talaga Pam! Sayang nga lang at hindi saiyo ang last score..” puna naman ng isa habang pumipirma ang lalake.
“Kasalanan nung malaking mama!” pakli pa nung isa na namukhaan niyang si Angie. Di nito napigilan ang panggigigil sa inis.
“Hindi ah, halata namang kayang-kaya niya yun. Pasikat lang yung number one,” bawi ng isa na noon lang nagsalita. Ang anak ng direktor! Paano nito nasabing pasikat siya eh siya na nga itong nagpakahirap na maagapan iyong bola kanina para manalo sila? “Diba Pam?”
Ngumiti lang ang binata. Nagpapicture pa ito bago tuluyang nagsilayo ki Kayge at para pa ngang ayaw ng lumayo sa lalake.Nag-uusap pa rin ang apat habang naglalakad palabas ng gym na parang hindi siya napansin sa kinatatayuan niya. Obsessed fans. Walang ibang nakikita ang mga iyon kundi ang iniidolo nilang si Kayge na kalaro niya sa basketball. Nakapag-conclude na sana siya pero narinig niya ang pinag-uusapan ng mga ito.
“Pero we have to admit sis, magaling din iyong number one at saka gwapo din kagaya ni fafa Pam!!” hagikhik ng isa.
“Sama mo rin si fafa Zyren!!” tili ng isa na nakilala niya, si Armie Nobleza.
“No way, si Pam lang ang gwapo sa kanila no?” seryosong sagot ng anak ng direktor. Bakit ba parang lagi itong kumukontra pagdating sa kanya?
“Saiyo ba ito?” Nabaling ang tingin ni Gene sa nagsalita.
“Jeev.” Si Jeev Barrosa, ang number twenty-one sa team. Napatingin siya sa hawak nito. “Drat! Oo.” Iyon ang palawit na bigay sa kanya ng batang lalake kanina, distorted na pero inabot niya pa rin.
“Mukhang sira na.. Pasensya na, naapakan ko.”
“Nah, it isn’t your fault,” mabilis niyang sagot dito. “Kung di lang sana nalaglag ito.”
“Blaming yourself?” puzzled na tanong nito.
“No, someone else.”
“C’mon, it’s just a toy. Bumili ka na lang ng bago.”
“Pero bigay ito ng fan ko.”
“Kelan ka pa natutong magsentimiento sa fan mo? Could it be a girl?” Sumungaw ang pilyong ngiti sa mukha nito na naging dahilan upang mabadtrip siya.
“He’s a cancer patient in our foundation, for God’s sake!”
“Chill, bro! Hindi ko gustong asarin ka. Masyadong mainit ang ulo mo.”
He’s absolutely right. Nakakainis lang kasi na nasira ang ibinigay sa kanya nung bata kaya hindi na niya ito maipapakitang nakakabit sa bag niya sa susunod na pagbisita niya sa ampunan. At dumagdag pa sa init ng ulo niya ang narinig niya kanina mula sa babae. For the first time in his whole college life and basketball experience, ay may tumawag sa kanyang ‘pasikat.’ Ni wala siyang ginagawang masama rito kaya paano nito iyon naisip?
“Wazzup bro? Hindi pa nga pala ko saiyo nakakapagpasalamat.”
Tulala siyang nakaupo sa bench sa loob ng Greyhounds locker room nang dumating si Kayge.
“Wala iyon. Para sa team.” Nagfist-bump pa sila bago ito pumasok sa comfort room.
Di nagtagal ay may kumatok sa pinto.
“Pasok,” sabi niya at pinihit nito ang doorknob pero iniawang lang ng kaunti ang pinto. Wala atang balak pumasok.
“Hello!” anang pamilyar na boses ng babae. Hinintay niya na muli itong magsalita. “I’m Niche, the…t-the school director’s daughter.”
Kinabahan siya matapos iyong marinig. Ano ang ginagawa ng babae rito? Ipapasara na ba ng ama nito ang gym? Kailangan niya bang katukin si Kayge sa CR para marinig din ito?
“I just want you to know that I’m one of your fans. I-in fact, I admire you a lot, and, a-and…” Halatang kinakabahan ang dalaga dahil paputol-putol ang pagsasalita nito. “..I like you.” Imbis na lumuwag ang pakiramdam niya sa sumunod nitong sinabi ay napalitan pa ito ng lubos na pagtataka. Paanong naging gusto siya nito eh kanina lang ay binanggit nito na isa siyang pasikat kaya alam niyang malayong-malayo ang tingin nito sa kanya kumpara sa taong magugustuhan nito. Si Kayge?
“N-nandito ako ngayon para lang sabihin saiyo iyon bago ka man lang umalis. Ayokong makialam sa personal life mo, pero… narinig ko lang kasi ang usap-usapan ng ilang students sa campus na lilipat ka na daw. Totoo ba iyon?” Confirmed. Si Kayge nga ang ipinunta nito roon. Ilang saglit pa lang mula nang pumasok si Kayge sa room kaya malamang ay sinundan ito ng babae.

BINABASA MO ANG
War with the Pointguard (COMPLETED)
Teen FictionPumasok siya sa Greyhounds dahil sa super mission niyang mapalapit sa crush niya, pero nanatili siya roon.. dahil sa mortal enemy niya!!?? Isang BIGLANG LIKONG LOVESTORY ng isang ordinary schoolgirl in search for her knight in shining ball.