4-HIS WRATH AND HER PHOBIA

1K 59 38
                                    

Dedicated po sayo kasi appreciated ko iyong rating na binigay niyo sa FRIENDZONE ko. Maraming salamat po!!! ^.^

Sa gasoline station malapit sa Yellow Cab habang nagpapakarga si Kayge ay nakita nitong iika-ika sa paglalakad si Niche sa kalsada. “Pare, ikaw muna bahala rito ah,” bilin nito sa gasoline boy. Bumaba ito ng kotse at nilapitan siya.

“Hey! Anong nangyari saiyo?”

“Si Gene..” aniyang hinang-hina at bigla na lang tumumba. Naramdaman niya na lang na may dalawang brasong sumalo sa kanya at pagkatapos noon ay tuluyan na siyang nawalan ng malay-tao.

“What time will you wake up Goldilocks?” narinig niyang boses ng isang lalake. Nagulat siya nang tuluyang maaninag ang nakangiting mukha ni Kayge na nakatunghay sa kanya. Nakaupo ito sa gilid ng kama, leaning over her, na halos nakayakap na ito sa kanya. Takte! Parang ang sarap mangrape ng wafung basketbolista ah hahaha.Bad!! She hid her reaction.

“A-asan ako? Anong ginagawa ko rito?” bulalas niya sa magkahalong gulat at pagtataka.

“Nakita kita kagabi, susuray-suray sa daan. Buti na lang walang nakaisip na gawan ka ng masama. Hindi ko alam kung anong magiging reaction ng parents mo kung iniuwi kita sa ganung porma kaya kita dinala rito. I wonder why you mentioned Gene’s name bago ka nawalan ng malay.. Pareho kasi kayo na bigla na lang nawala sa Sadi. I suppose magkasama kayo kagabi.”

She remembered how much effort she did just to escape Gene, kung gaano nito siya tinakot sa pagpapatakbo nito ng kotse. “Yes.”

“Magkasundo na kayo?”

“No at malabong mangyari iyon. Kung nandoon ka lang at nakita mo kung paano niya paandarin ang sasakyan niya like a trip to hell.”

“From the looks of it, I figured he scared you a lot..”

“True.” Nahiya pa siya nang maalala niya ang hitsura nang nagdaang gabi. “Hindi naman siguro ganoon ang mangyayari kung wala lang akong phobia.” Huli na para bawiin niya ang kanyang sinabi. Walang ibang nakakaalam doon maliban sa pamilya niya at sa private doctor ng family nila.

“May phobia ka?”

She had no choice but to confirm what has been stated earlier. Tumango siya. “I had it when I was seven, dahil sa roller coaster incident sa Star City. Bumilis iyon at hindi kaagad napatigil ng operator.”

“I see..” maikling tugon nito.

Sabay sila nitong pumunta ng school nang araw na iyon. Nakita niya si Gene pero hindi sila nito nagpansinan buong maghapon. Naaliw siya sa company ni Kayge at sa pakikipag-get-to-know sa ibang members ng Greyhounds kaya naging ayos naman ang unang araw niya sa gym.

Pauwi na sana siya nang maalala niya na hindi pa siya nakakapagpasalamat kay Kayge. Bumalik siya sa gym pero hindi agad pumasok dahil narinig niyang may kausap pa ito sa loob.

Sumilip siya ng kaunti. Malakas na boses ni Gene ang narinig niya matapos ang isang sapak galing kay Kayge. “Fuck! Ano bang problema?”

Sumandig siya sa poste at nakinig sa usapan ng dalawang lalake. “Naisip mo ba na pwedeng masira ang team dahil sa ginawa mo?” Si Kayge iyon, may halong galit sa tono ng pananalita nito. Noon niya lang narinig kung paano ito magalit.

“Hindi mangyayari iyon, Pam.”

“At paano ka nakasisiguro?”

War with the Pointguard (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon