30-THE FINAL GAME PART 1

391 18 2
                                    

Game 7.

NCF.

I’m finally here.

My heart is pounding.

50, 000 fans screaming

Can’t get my breath

Whistles sounding

With every ounce of effort, every skill that I’ve got

I’ll play the Super Leagues greatest,

And give them my best shot.

Paulit-ulit lang ang pag-play ni Niche sa Supa Strikas theme song sa ipad niya habang nagwawarm-up ang players. Busy si coach sa pag-asikaso sa mga ito habang chinicheck naman ni Angie ang physical condition ng mga ito.

Saka naman dumating ang ngarag na si Gene. Dark circles are flamboyant under his eyes and Niche couldn’t help but give it a comment when Gene sat next to her, fixing his shoes. “Gene, okay ka lang?”

“Ha?” Umangat ang ulo nito para tingnan siya.The two orbs met.His gaze was an obvious confusion.Parang hindi nga ito okay.Naapektuhan din ba ang pandinig nito? Halata kasi sa reaksyon nito na hindi nito naintindihan ang tanong niya.

“Tinatanong ko kung okay ka lang?”

“Oo naman.” He answered before he proceeded fixing his other shoelaces.

“E bakit hindi mo ko narinig kanina?” Niche asked in disbelief.

“I was just teasing you, that’s all.” He flashed his teeth.

Napailing na lang siya rito. “Parang kulang ka sa tulog ah.”

“It’s hormones, Niche. I can’t sleep yesterday.”

“Dahil sa excitement?”

Tango. “Kahit nung nasa high school ako, nahihirapan talaga kong matulog kapag finals na kinabukasan.”

“Oh, right, matagal ka na nga palang nagbabaskteball.”

Tumango lang ulit ang lalake sa kanya.

“Hoo! Bakit pag final exams ang sarap ng tulog mo?” pang-aasar ni Zyren na bigla na lang siniko si Gene bago lumampas dito para hubarin ang suot na jacket.

“Oo nga. Lagi ka ngang late,” pagsang-ayon naman ni Harold na kanina pa pala nakikinig sa usapan.

“Psst, epal ka sa couple, panira ng moment,” sita ni Angie at hinila sa tainga si Harold. “Pasensya na kayo ah,” paalam nito sa kanila ni Gene bagamat alam niya namang gusto lang nitong masolo si Harold.

“Isuot mo ang kneepads mo. Magulo kang maglaro e, kung saan saan nagsususuot sa court,” narinig pa nilang sabi ni Angie kay Harold.

And the two ranted like forever.

 “Kung tutuusin nga naman, medyo pasaway kung minsan iyang si Harold,” sabi ni Gene and Niche just giggled at the scene before her.

Nang biglang sumingit na naman si Zyren. “Iniiba mo lang ang topic Gene. Aminin mo na kasi-“

“Zy, ano…”  si Armie naman ang narinig ni Niche. Nakatayo ito sa labas ng court. May napili na itong seat sa bleachers, iyong pinakamalapit sa bench ng Greyhounds.

War with the Pointguard (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon