EPILOGUE-CHRISTMAS EVE

452 21 2
                                    

“Magandang araw mga tol at mga little miss! Namiss niyo ba kami ng ate Niche niyo?”

“Opo!!”

“Namiss din namin kayo, at dahil dyan, dito kami magpapasko!! E eto, tanda niyo pa ba siya?” sabi ni Gene na nakaungko sa amang nasa wheelchair.

“Si tito Ragodon!!”

“Aw!!! Ganoon na ba talaga ako katanda para tawagin na lang sa apelyido?” pagdadrama nito sa mga bata.

“Opo!!!”

“Aray, magalang sana kayo pero ang sakit niyong magsalita ah,” pagbibiro nito sa mga bata.

Tawanan ang mga bata.

Abala naman sa pagtulong kanila sisters si Niche sa paghahanda ng mga pagkain sa mahabang mesa.

“Bweno, gusto kong sabihin sa inyo na kahit anong mangyari, hindi ko ipasasara itong foundation,” pag-aanunsyo nito na ikinatuwa ng mga madre at ng mga bata.

“Talaga po?” paniniguro ni baby Shem.

“Oo naman, kaya dapat lang na magpakasaya tayo ngayong pasko,” sabi nito sa mga bata at agad namang nagpalakpakan ang mga ito. “lalo at andito ang future daughter in law ko.”

“Dad!!” si Gene.

“Do..ta..in lo? Ano po iyon?” sabi ni baby Phean, confused.

“Parang alam ko yun, yun po ba yung nilalaro sa kompyuter?” tanong ni baby Dioma.

“Daughter in law,” slowmo ang pagkakabigkas ng ama ni Gene. “Magiging anak ko sa kasal.” Nguso ki Niche, na tyempong palabas kasama ang mga madre dala ang mga pagkain.

Agad namang nagtinginan kay Niche ang mga bata. Palakpakan ulit at may kasama pang hiyawan. “Yehey!! Congrats ate Niche!!”

Niche just gave Gene and his father a curious glance. Gene’s gaze evaded while his father whistled and was relieved when he saw his kumpadre coming, and motioned towards it, maneuvering his wheelchair on his own.

“Dad? Bakit andito ka?” tanong agad ni Niche sa paparating.

“Bawal?” biro nito at akmang paatras-atras pa.

“Hindi iyon e. Akala ko may emergency meeting kayo ngayon?”

“Maagang natapos.”

“Maagang natapos o maaga niyong tinapos?”

Napakamot na lang ito ng ulo.

Nakatingin lang ang mga bata until one bravely asked to satisfy curiosity. “Sino po iyon?” tanong ni baby Ceds.

“Papa ko,” Niche answered simply.

“Edi papa rin po iyan ni kuya Gene?” babyMilks asked.

“Ha?? Ahh eee…” Niche blushed and looked away.

“Iiii Ooooo Uuuu??” Gene added while menacingly smiling, teasing her.

Niche glared but instantly smiled towards the children. “Pwede ngang ganun, total close friends naman sila.”

“Aaahhh!!” Bilib na bilib na sabi ng mga bata at may pagkumpas pa. Napatingin ulit ang mga ito sa dalawang matandang lalake.

War with the Pointguard (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon