Sinipag si nonalita niyo..Ayan dalawa ang chapters na naiUPDATE ahihi.. ^.^
Sige na, BASA.
Nakatingin lang siya rito in 5,4,3,2,1..
“Huy Francis hijo!! Mabuti nakarating ka. Kanina ka pa hinihintay ng mga bata,” sabi ng matandang madre na bigla na lang sumulpot sa gate. Francis pala tawag nito kay Gene na agad naming nagmano. Nagmano na rin siya.
Mga bata? May anak na itong si Gene? Hindi nga?
“Ah opo, pasensya na kayo, sinundo ko po muna kasi itong kaibigan ko.” Wink at akbay.
Para saan iyon?? Tsaka, sinundo?? Ano ba talagang meron?
“Ay mabuti at may kasama ka para mas masaya. Hello ineng! Ako si Sister Mae. Ngayon lang kita nakitang bumisita rito sa Book of Faith.” Book of Faith? Oh my! Siomai! So ito iyong foundation ng mga Ragodon? Dito tumatambay si Gene?
“Hello po Sister Mae! First time ko nga po rito.”
“Kegandang bata.”
Nahiya naman tuloy siya. “Naku hindi naman po.”
“Hija, ang kayamanan hindi ikinakahiya. Sige, pasok kayo. Pano ba iyan hijo? Ilan ba score natin dyan ha?”
Score saan? Ang gulo naman ng madre na ito. LG tuloy siya.
Napatingin naman sa kanya si Gene. Siya ba ang pinag-uusapan ng mga ito? “Naku Sister, nagkakamali po kayo, kaibigan ko po talaga iyan,” rason ng lalake.
Ah iyon pala iyon. Hindi niya maiwasang pamulahan ng mukha nung magets niya na ang ibig sabihin nung madre.
“Pwera biro, bagay kayo. Saka ngayon ka lang nagdala ng chicks dito hijo.” Ngingiti-ngiti pa ang madre.
Astig si sister hehe. Tama na po at baka hindi niya na mapigil ang sarili niya. Baka maipon na ang dugo niya sa ulo. Kinikilig siya? Susmio! Ano na namang nangyayari?
“Kayo po talaga sister ha masyado kayong showbiz,” puna ni Gene.
“Ako pa ang showbiz eh kayo kanina iyang-“
Nakita sila nitong nagtititigan?? Emeged!!! Nakakahiya na ah.
“Sister naman.” Nagkatinginan ang dalawa.
“Nga pala, nabanggit na rin natin ang score kanina. Masaya iyong mga bata roon sa huli mong laban na napanood namin hijo. Marami ka na naming points,” pagbubukas ni Sister Mae ng bagong topic. Hay buti naman at tumigil na ito.
“Syempre naman po sis.”
Kakalakad, naabot din nila ang dining room. Ang laki ng Christmas tree sa isang sulok. Sa dami ng nakasabit ditong decors, cards at kung anu-ano, buti nga at hindi ito bumibigay sa bigat ng mga iyon. May kahabaan ang dining table. Ilang bata naman kaya ang kumakain dito?
“Ay ang papa mo pala kumusta?”
She suddenly caught a sight of his seriousness. “Medyo ayos na po siya,” tipid nitong sagot. Bitin ang sagot na iyon para kay Niche. Kumusta na nga kaya ang papa nito?
“Mabuti naman. Marami pa siyang matutulungan kaya alam kong gagabayan siya ng Panginoon.”
“Salamat po Sister.”
BINABASA MO ANG
War with the Pointguard (COMPLETED)
Dla nastolatkówPumasok siya sa Greyhounds dahil sa super mission niyang mapalapit sa crush niya, pero nanatili siya roon.. dahil sa mortal enemy niya!!?? Isang BIGLANG LIKONG LOVESTORY ng isang ordinary schoolgirl in search for her knight in shining ball.