10-IN HIS CAR FOR THE SECOND TIME

811 57 26
                                    

Dedicated sayo insan kasi nagcomment ka sa prologue ko.. Salamat sa comment na iyon kahit one word lang hehe. Appreciated ko adtong maray.. ^.^

As promised, Gene drove gently for Niche. At first he took it slow for her to relax. Hanggang sa unti-unti nitong binilisan. Then nung napapansin nito na keribels na niya ang speed na 60 kph, ay nagdrive na ito ng normal na patakbo.

Nakasandal lang si Niche sa upuan. Narinig niyang may sinasabi ito pero hindi niya naintindihan.

“Hmmn?”

“Wala.” Wala raw pero he smiled. Ano kaya iyon?

“Ano nga iyon? Dali na.”

“Wala nga.”

“Ganun? Eh may narinig kaya ako.”

“Ah..limot ko na eh.”

“Sinungaling.”

“Promise, limot.”

“Hmp.”

He turned on the player at iyong “Always” na naman ang song.

“Favorite mo ba iyan?” tanong niya kay Gene. She remembered that the last line she asked him about this, pinaandar nito na parang bullet train ang sasakyan. But she’s more confident now. He promised to be good to her kanina.

“Hmn sort of. Meaningful kasi para sakin ang song na iyan.”

“Kinanta mo for someone?”

“Parang ganun kaso that time medyo iba pa iyong meaning niya para sakin.”

May pinopormahan ito? Bakit hindi niya alam? Este bakit walang nababalita sa school? Ano naming pakialam niya? “Aish ang baduy neto,” out of the blue ay nasabi niya.

“Tatanong-tanong ka tapos ikicriticize mo ko.”

“Asar-talo ka naman?”

She waited for him to rebut pero naghintay lang siya sa wala. Busy na kasi ito sa pagdadrive. Nainis ba ito sa sinabi niya? Pikon lang? Sino ba naman kasing mag-aakala na may itinatago pala itong kasweetan? Her judgement may be false dahil matagal silang parang aso’t pusa nito pero still, she didn’t know he could sing for someone special. Who could that girl be? She must really be something para gawin iyon ni Gene. Nakakainggit.

Kelan kaya siya makakameet ng taong gagawa nun para sa kanya? Hindi si Kayge syempre kasi may Aileen na ito. Hindi naman nasayang ang pananatili niya sa team kahit pa hindi nalaman ni Kayge na gusto niya ito. Sapat na ang mga panahon na naenjoy niya kasama ito. And now she’s going to act professional around him.

She just kept on looking outside the window. Awkward kasi na nasa passenger seat siya. Unexpectedly, paglingon niya ay nakatingin rin pala si Gene sa kanya. Feeling niya nawalan ng hangin sa loob. Sira ba ang aircon? Ngayon lang siya nakaramdam ng ganitong kaba. Nakoconscious ba siya?

Asong gala! Oops sorry for that. Kasi naman ay bigla na lang nagpreno si Gene. Muntik na tuloy tumilapon ang puso niya.

Peñafrancia Shrine ito ah! Nagtataka kayo no? Nagtataka nga rin si Niche. Bakit andito sila? Huwag nitong sabihin na..hmnnn napakaaga naman para sa ganun.. Hayy ano ka ba Niche? Huwag ka ngang assuming. Wala sa lahi niyo iyon no.

Dyahe! Nakakahiya ah. First time niya pumunta dito na may kasamang lalake tapos hindi niya pa kaano-ano. Kanina lang nila diniclare ang ceasefire nila at friends na nga raw sila pero marami pa rin siyang hindi alam tungkol kay Gene.

War with the Pointguard (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon