Dedicated sayo CookieBear kasi I see that you’re so eager to read this new chapter. I hope you’ll enjoy it. ^.^
Uwian.
Hindi siya nakaattend sa practice game kanina dahil may General Assembly ang Association of Political Science Students that lasted the whole afternoon dahil maraming kelangang idiscuss about the coming activities such as Inter-Organization, Fraterneties and Sorrorrities tapos yung Sounds and Sights contests.
Halos hindi na nga siya makatulog nang maayos nitong mga huling gabi dahil sa kabi-kabilang obligasyon. With the reports in the basketball team, APSS and AS, as well as the academic activities within the associations, she is apparently one brain-drained brat. It even amazed her that she can still handle it all by herself.
Namiss niya nga si Gene. Namiss? Wait wait wait. Buong class hours lang hindi nakita dahil excuse ito tapos miss na agad?
Hayy buhay. Ano pa nga ba? Nasabi niya na eh. Alangan bawiin pa diba?
So back to her wandering sa corridors.
Hindi niya na kasi hinintay na pumunta si Gene sa room nila at baka pagod pa nga ito.
Speaking of the handsome angel, malayo pa lang tanaw na ni Niche si Gene na may hawak na bouquet of flowers mula sa locker nito. Maybe from one of the fangirls again.
At hindi nga siya nagkamali dahil kitang-kita niya kung pano nito itapon iyon sa basurahan ng walang kahirap-hirap. Nagmukha tuloy bola iyong bouquet at ang ring ay iyong trash bin.
Nang malapit na siya rito ay may kinuha pa ulit ito sa locker nito.
Sandamakmak na love letters.
In fairness nakakainsecure ha. Mas marami pa kasi ang natatanggap nitong gifts and stuffs mula sa fangirls nito kesa sa kanya. Mantakin niyong lalake pa ito. Pano pa kaya kung nagging babae si Gene no? Baka kali-kaliwa ang suitors nito. Pero hindi na nito kailangang maging babae no. Kahit naman kasi ganitong lalake siya ay over na over na yung pagpapantasya, pagstalk, pag-obsess and paglalaway sa kanya ng girl fans sa school nila and even sa ibang school.
Kunot na kunot ang noo at itatapon pa sana ni Gene ang mga love letters pero pinigilan niya ito.
“What? ..Niche?” Halatang nagulat ito sa biglang pagsulpot niya. Pinilit nitong mawala ang kapit niya sa wrist nito pero hindi niya ito hinayaan. Tumingin ito sa kanya with a “why-are-you-doing-this” look.
“Keep the letters, Gene,” maikling sagot niya at agad naman nitong itinigil ang pagtapon sa mga sulat.
Tumayo ito ng tuwid at hinarap siya nang may pagtataka pa rin sa sinabi niya. “But why? They keep on bothering me everyday and I don’t think it’s fine to let them do that while I’m hooked to you.”
“Don’t get me wrong Gene, pero hindi pa naman tayo. Tsaka kahit naman tayo na gusto ko pa ring itago mo ang mga iyan,” paliwanag niya at binitiwan ang hawak sa pulsuhan nito.
“Tss. It’s just a bunch of waste.” So bad. Gene did change a lot, but it doesn’t include his treatment to his fangirls.
“True, but don’t you think that these bunch of waste mean a lot to them? Pinagpuyatan nila iyang mga iyan. Also, the flowers..”
“You saw what I did?”
“Of course, kitang-kita ko kung pano mo itapon ang mga iyon habang nakakunot ang noo mo.” She bitterly smiled.

BINABASA MO ANG
War with the Pointguard (COMPLETED)
Teen FictionPumasok siya sa Greyhounds dahil sa super mission niyang mapalapit sa crush niya, pero nanatili siya roon.. dahil sa mortal enemy niya!!?? Isang BIGLANG LIKONG LOVESTORY ng isang ordinary schoolgirl in search for her knight in shining ball.