Dedicated po sayo kasi ikaw ang una kong watty friend.. Maraming salamat po!! ^.^
Isang taon na rin ang nakalipas mula nung mangyari ang wow-mali moment ni Niche…
Matamlay na kumakain ng lunch sa McDo sina Armie, Cheene, Angelyn at Niche. As usual ay umorder sila ng Crispy Chicken Fillet with rice na patok sa panlasa at bulsa ng masa.
“Ang crush parang kalabasa…,” umpisa ni Armie na biglang nabuhayan ng loob nang makitang papasok sa McDo ang basketball players ng Greyhounds.
“Bakit?” usisa ni Cheene sa banat nito.
“Kasi nakakalinaw ng mata, malayo pa lang kita mo na!” sagot ni Armie na pasimpleng napangiti habang nakatingin sa kinatatayuan ng ultimate crush nitong si Zyren. Kararating lang ng mga ito galing sa practice.
“Tomoh!” pagkumpirma naman ni Niche na nakita si Kayge kasama ng mga ito. “Kaso minsan parang sabon!”
“Bakit naman?” nagtatakang tanong ni Angie.
“Masakit sa mata lalo pag may kasamang iba!” inginuso niya iyong babaeng dumidikit sa captain.
Tawanan ang barkada.
“Ano pa?”kumbinsidong tugon ni Armie. “Sumama ka na lang kasi sa Greyhounds para fulltime na ang pagbabantay mo sa kanya.”
“Oo nga no? Good idea!” At pagkasabi niyon ay agad nagpunas ng tissue sa bibig si Niche kahit hindi pa tapos ang kinakain. “Maiwan ko na kayo.”
“Uy wait, saan ka pupunta sis?”tanong ni Cheene.
“Hindi pa tapos itong kinakain mo,” puna ni Angie.
“Joke ko lang iyong sinabi ko kanina ah, kinakabahan tuloy ako saiyo Niche. Umayos ka,” pahabol ni Armie.
“May kakausapin lang ako. Sige friends, wish me luck!!” huling sabi niya at iniembrace pa ang mga kaibigan bago iwanan ang mga napapaisip na mukha nito.
Isang linggo na lang bago magsectorals kaya todo-ensayo ang players ng Greyhounds sa Sports Palace ng UNC. Maraming nanonood kahit practice game lang ito at isa si Niche sa mga iyon. Nasa first row ang kinauupuan niya, malapit sa exit para madaling maka-escapoo pagdating ng alas-otso dahil may klase pa siya. Bumili pa siya ng kape sa Seven-Eleven sa tapat ng school dahil hindi niya nagawang kumain ng breakfast sa pagmamadali para maabutan ang laro.
Wala sa loob na pinagmamasdan niya kung paano maglaro ang pawis na pawis na team captain na si Kayge. Maging ang buhok nito ay basa na sa pawis na lalong nakapagboost sa appeal nito. He’s like a superhero, na lumilipad sa ere dala ang bola. How I wish you were mine… Bakit nga baa hindi na lang iyon ang title ng story na ito? Haha.
“Huwag mong masyadong titigan, baka matunaw.”
Nasa likod pala niya si Gene, nakadukwang kaya halos magkadikit ang mukha nila. Saglit siyang nailang pero agad ding napatayo, soiling her necktie with the Capuccino in the sudden stance. “Crap! Look at what you’ve done!” paratang niya sa lalake.
“I didn’t do anything,” sabi ng lalake wearing a devilish grin at umismid pa na parang walang alam sa nangyari.
“Whatever! Lagi ka namang ganyan eh,” piksi niya habang puno ng inis na pinupunasan ang necktie niya. Mabuti at iyon lang ang nadumihan pero nakaka-high blood pa rin ang ginawa ng lalake. “Tandaan mo itong araw na ito!”
BINABASA MO ANG
War with the Pointguard (COMPLETED)
Teen FictionPumasok siya sa Greyhounds dahil sa super mission niyang mapalapit sa crush niya, pero nanatili siya roon.. dahil sa mortal enemy niya!!?? Isang BIGLANG LIKONG LOVESTORY ng isang ordinary schoolgirl in search for her knight in shining ball.