Dedicated po sayo kasi comfortable ako makipag-usap sa inyo about sa hobby ko tapos appreciative po kayong reader. Minomotivate niyo rin po ako kaya nakagawa ako ng chapter na to kahit wala sa plano haha. Anyways, super thank you po talaga sa pagfollow and sa advices lalo sa pag-inspire. ^.^
So ano pa nga ba? Proceed na tayo.
Malapit nang magsimula ang game three, Unibersidad de Sta. Isabel ang kalaban nila ngayon, pero wala pa ring nagpapakita sa captain. Kanina lang ay nagpaalam itong pupunta sa CR pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ito bumabalik. Nakapagdesisyon si Niche na sundan na ito kaya tumayo na siya pero hinila siya ni Gene pabalik sa pagkakaupo sa bench. “Can you just sit and wait?”
“I’ve had enough Gene.”
Tumayo ulit siya pero hindi nito binitiwan ang kamay niya. Mainit ang mga palad nito. “Sure want me to let go of you?”
Marahan siyang tumango.
“Okay, that’s my girl.” Tumayo rin ito at hinapihap ang ulo niya. Naalala niya nang sinabi nito sa Sadi Baloy bar na bagay siya sa ganoong gesture dahil mukha siyang tuta, tuloy ay hinagisan niya ito ng tuwalya sa mukha.
“I’m not your dog!” That was clearly an exclamation, but Gene just smiled and his letting go of her hand looks llike the one in the movies, the slow motion type in dramatic ones huh?
Mula noong naging manager siya ng team ay medyo lumaki ang tingin niya sa kanyang sarili. She felt pride in herself. Madalas pa rin silang magtalo ni Gene pero nasanay na rin siya. Himala ata ang isang araw kapag hindi sila nagtalo nito. Hindi na niya masyadong iniisip iyon. Paseryoso na kasi nang paseryoso ang laro.
Sa entrance pa lang ng comfort area ay dinig na niya na may dalawang taong nag-uusap sa hallway. Si Kayge at si…Aileen!
“I’m so sorry for not telling you honey. I didn’t fight for you because I’m weak. I’m afraid na kapag hindi ako sumunod sa sinabi ng papa mo, mawawalan ako ng trabaho noon at hindi ko alam kung paano na lang ang pamilya ko. Alam mong iyon ang weakness ko Pam, and your dad was bright for using it against me, just to make sure I’ll leave you alone.”
“Damn him! Bakit hindi mo sinabi kaagad sa akin? Kaya pala-”
“No Kayge, please listen. I’m not telling you about it to make him look bad. I actually understand him. Walang amang gustong mapasama ang anak nila. Sino nga ba naman ako para saiyo hindi ba? Isang bibitsuging manager lang ng Greyhounds na umaasa sa katiting na sweldo para makakain ng tatlong beses sa isang araw at makatulong sa pamilya.. I was like a shameful beggar back then.. and your father is the one who gave me the chance to rise. Kung hindi dahil sa kanya, wala ako sa kinalalagyan ko ngayon.”
“You-?”
“Yes I accepted the money. But I never stopped loving you that’s why I came back from the US. So it’s not really your father to be blamed Kayge, it’s me, because I made the decision.”
“I understand now, Aileen. You made your way out of love for your family and for ours too. That’s why I’m so sorry for judging you early, babe.”
“It’s alright honey, we can still start over, right?”
“Yep but promise you’ll never leave again?”
“I promise.”
Ang sunod na nakita niya ay ang paglapat ng likod ng babae sa dingding at ang malalim na palitan ng halik mula sa dalawa. Sa mga oras na iyon ay parang tinutusok ng karayom ang puso niya at pinipiga sa sakit. Sa sandaling malapit nang pumatak ang mga luha sa kanyang mga mata ay saka naman niya naramdamang may humawak sa kaliwang balikat niya. Hindi na niya napigilan ang emosyon at tuluyang nagsipatak ang butil-butil na luha sa kanyang mga mata. Hindi niya pinagkaabalahang tingnan kung sino ang dumating at agad niyang niyakap ito. Hinayaan niya ring yakapin siya nito bagamat isang beses pa lang siyang nayakap ng isang lalake. Pero mas maganda ang timing ng isang ito dahil dumating ito sa oras na kailangang-kailangan niya. O baka hindi?

BINABASA MO ANG
War with the Pointguard (COMPLETED)
Novela JuvenilPumasok siya sa Greyhounds dahil sa super mission niyang mapalapit sa crush niya, pero nanatili siya roon.. dahil sa mortal enemy niya!!?? Isang BIGLANG LIKONG LOVESTORY ng isang ordinary schoolgirl in search for her knight in shining ball.