17-ANYTHING FOR YOU

636 50 20
                                    

Nakaupo si Niche sa bench nang may tumapik sa balikat niya at may itinapat itong pink na bagay sa mukha niya.

 “Cotton candy? Gene, kakalunch pa lang natin tapos may pahabol na agad?” angal ni Niche. Masyado talaga siyang binibaby ng lalakeng ito.

It’s been a week matapos ang laban sa Ateneo at ngayon, puso naman nila ang naglalaban. Talaga nga kayang karapat-dapat sila sa isa’t-isa? Marami kasing nagsasabi nun, pero marami rin namang kumukontra.

 “Dessert. Bakit? Ayaw mo?” She remembered how she behaved when he asked her about the chocolate cake. It’s like this.

Nangiti na lang tuloy siya habang inaabot ang cotton candy. “Syempre gusto ko, kaso busog pa ko, kaya uunti-untiin ko lang ha?”

“Okay, fine. Basta kainin mo iyan ha?”

“Yup.” Hindi naman pala ito ganun kasamang manligaw. Halos 24/7 na nga silang magkasama. Hatid-sundo siya nito tapos pinapalamon pa siya nang husto. Feeling tuloy niya ay tataba siya dahil dito.

Presko sa bench na kinauupuan nila ngayon kahit tanghaling tapat. Malago kasi ang puno ng Narra na nagbibigay lilim dito.

Iniba ni Gene ang posisyon at humiga sa bench. Nakapatong ang ulo nito sa lap ni Niche habang nagbabasa ng libro sa Integral Calculus.

“Baka magkabilbil ka nyan Gene haha,” pagbibiro niya.

“Who cares? Okay lang naman sayo diba?” Tss. Kung makatanong naman akala sila na.

“Yung mga fan girls mo, syempre they care.”

“Drop that Niche. If they care, then I’m the one who don’t care about them. Masyado silang magulo. Isa pa, your care is enough.”

“Weh? Sige na nga, hindi na ko mangungulit about sa kanila. Baka mapikon ka pa.”

“Tss. Why would I? At saka sayo? No way.”

“Oo na, oo na. Naniniwala na ko,” nakangiting sabi niya at pinagmasdan itong ibinaling muli sa binabasa ang atensyon. Pero may naisip na naman siya. “Matanong lang kita Gene..”

“Hmm?”

“Hindi ka ba nanghihinayang sa pagiging delayed ng studies mo dahil sa pagiging varsity player mo?" tanong niya rito. Eighteen units lang kasi ang pwede nitong kunin every semester dahil dun, kumpara sa regular students lang na umaabot sa twenty-six ang units na kinukuha.

“Hindi naman.”

“Eh bakit?”

Nakita niyang umarko ang isang kilay nito. “Anong bakit? I shouldn’t have known you if I didn’t know the ball.”

That touched her heart pero.. “Kahit na. I mean, hindi ka ba nanghihinayang sa oras?”

“One of our professors told us, hindi minamadali ang pagiging engineer. And so I’ll seize each day while patiently waiting.”

“Kunsabagay, may punto ka rin dyan.”

“Bakit mo nga pala naitanong iyan?”

“Hindi naman siguro masamang maging curious sa plano mo sa buhay diba?” She stroked his hair.

There was a sudden curve in his lips, as he held her hand on his head and held it still. “I love the idea that you are concerned about my life. Don’t worry, I’ll be an engineer for you, a successful one.”

War with the Pointguard (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon