Nakaupo sila sa lilim ng isang puno sa Plaza Rizal.
“Hindi ko alam na mabait ka rin pala.”
“Para mo namang sinabi na hindi kapani-paniwala.”
“Parang ganun nga hehe. Kasi lagi mo kong sinusungitan dati.”
“Dati iyon.”
“Asan na pala iyong barbecue mo?”
“Naubos ko na.”
“Bakit di ko napansin?”
“Bagal mo kumain eh. Akin na nga iyang isa.”
“Teka, kunin ko sa plastic.”
“Nah, I want this.” Kinagat nito ang nahahawakan niya. What the-! Nabawasan niya na iyon! Naalala niya tuloy iyong tubig niyang ininom nito sa gym. Parang naulit lang tuloy ang pangyayari, pero iba naman ang nilantakan nito-barbecue. Kakaasar. Nabato siya ah. Daig niya pa ang rebulto ni Rizal dito sa Plaza Rizal.
“Oh Niche, okay ka lang?” Inalog siya nito.
“Pusang syinomai! Ano ba Gene? Ayaw mo naman atang isuka ko lahat ng kinain ko sa lakas ng alog mo no?”
“Hehe ikaw kasi eh bigla kang natulala tas di ka na kumikilos at nagsasalita. Kinabahan ako dun. Kala ko The Conjuring na haha.”
“Sira ka talaga kahit kelan.”
“Ubusin mo na iyan, hatid na kita.”
Matapos kumain, itinapon niya na ang sticks sa trash bin. Nagsimula na silang maglakad papunta sa kotse ni Gene. Malapit lang naman ang bahay ni Niche. “Salamat Gene ha? You made me try a lot of new things today.”
Ipinagbukas siya nito ng pinto ng sasakyan. “Nasayo naman kasi pumayag ka. Ako nga dapat magpasalamat kasi masaya kong sinamahan mo ko kanina sa foundation para icelebrate ang birthday ko.”
“Wala iyon. Bakit pala dun ka nagcelebrate?”
“Dun naman talaga ko nagcecelebrate taun-taon. Pagkaiba lang ngayon, hindi ko kasama si papa.”
“Ang mama mo asan?”
“She’s gone. I lost her since I was a kid.”
“Me either." Pinalaki nga siguro siyang mag-isa ng dad niya pero lumaki naman siya ng tama. "That’s why I know how you feel.” She held his free hand.“And I know you’re so freakin’ worried about your dad.”
He parked in front of her house. “Ayokong mawala siya sakin Niche.” His voice cracked.
“Hush, teenager. Hindi siya mawawala sayo. Tiwala lang diba?”
He faced her. “Salamat.” She was surprised when he pulled her hand and in a swift motion, she landed on his chest. He hugged her tight. Kanina holding hands, tas ngayon yakapan? PBB Teens! Wala na bang Paglambing na Di Awkward dyan? Hindi rin naman kasi pwedeng sabihin kahit kaninang nasa plaza sila na Public Display of Affection diba? Kasi wala naman ata sila. Wala nga ba? Hay naku, ang hilig ng pointguard na ito na pamulahin ang mukha niya. Hindi niya na kailangan ng blush-on. He hugged her tighter. Natakot siya nab aka biglang lumabas ang papa niya at makita sila. Nakabukas pa naman ang window.
BINABASA MO ANG
War with the Pointguard (COMPLETED)
Teen FictionPumasok siya sa Greyhounds dahil sa super mission niyang mapalapit sa crush niya, pero nanatili siya roon.. dahil sa mortal enemy niya!!?? Isang BIGLANG LIKONG LOVESTORY ng isang ordinary schoolgirl in search for her knight in shining ball.