Eclipse 29

6 1 0
                                    

○●○●○●

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

○●○●○●

Chapter 29: Happily Ever After?

Third Person's POV 

"Nandito na tayo" saad ng lalaki bago ng park sa kanyang sasakyan. Binuksan niya ang pinto ng kanyang sasakyan. Napatingin naman ang babae sa bintana at napansin niya na nasa Mall of Asia pala sila kaya napangiti siya. Naging abala siya sa pag-aaral niya at ngayon lang siya nakabalik sa lugar na iyon.

Nagulat siya noong bigla siyang pinagbuksan ng lalaki.

"Lumabas ka na. Nangangalay na ang kamay ko" reklamo niya kaya dali dali siyang lumabas.

'Gentleman pala itong si Kace'  (Dusk) isip ng babae habang sinasara ni Kace ang pinto.

Pumasok sila sa loob at naghanap sila ng isang boutique. Pagkapasok nila doon ay binati sila nung saleslady.

"Good morning ma'am and sir ano po ang maaari kong maitulong sa inyo?" Magalang na tanong nung babae.

"Pumili ka na para matapos na to" bulong ng lalaki at umupo sa couch. Habang pumupili ang babae ay pinakiusapan ng lalaki ang babaeng nakaassign sa counter. Binayaran na niya ang mga bibilhin nung babae at pinakiusapan niya ang babae sa counter na gawan prank ang babaeng kasama niya.

Kakilala niya kasi ang may-ari ng boutique na ito at madalas na bumibili ang nakababatang kapatid niya dito kaya nakilala kaagad siya sa mga trabahador dito.

"Sige po" pangiting saad ng babae at bumalik si Kace sa pagkakaupo sa couch habang nakangiti ng nakakaloko sa walang kamalay-malay na babae.

Pagkatapos mamili nung babae ay lumapit siya sa counter at ibinigay ang kanyang credit card.

"Sorry ma'am pero hindi gumagana ang credit card mo" saad ng babae kaya napakunot ang noo niya.

"Ano?" Naguguluhang tanong ng babae.

"May cash po ba kayong dala?" Tanong ng trabahador kaya biglang kinabahan ang babae. Hindi kasi siya nagdadala ng cash dahil nakadepende lang siya sa kanyang credit card.

Lumingon siya sa couch kung saan nakaupo si Kace ngunit wala na siya doon. Manghihiram sana siya ng pera.

"Ahh babalikan ko muna ito. May nakalimutan kasi ako" pagsisinungaling niya at dali daling lumabas.  

"Kailangan niyo na pong bayaran iyan" makahulugang saad niya kaya dahan dahang napalingon ang babae sa kanya.

Ilang minutong nanatili ang babae doon kaya biglang nainip ang lalaki. Pinagsisisihan na tuloy niya ang prank na pinlano niya.

Padabog na isinara ng babae ang pinto ng store at galit na tiningnan si Kace.

Biglang napatawa ang lalaki dahil sa ekspresiyon ng babae.

Eclipse [Time Traveler Series #2] ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon