Eclipse 14

17 2 0
                                    

●●●○●●●

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

●●●○●●●

Chapter 14: Lake of Fire

Dawn's POV

"Dawn"

Dali dali kong binuksan ang aking mata noong marinig ang boses na iyon. Napakapamilyar nito...

Inikot ko ang aking paningin at napansin kong nasa hardin na naman ako. At kulay kahel ang kalangitan.

Nandito na naman ako sa lugar na ito... ibig sabihin nandito din ang babae...

Dali dali kong hinanap ang babae at napangiti ako noong makita siyang nakatayo sa isang tabi. Nakatingin siya sa kalangitan at mukhang hindi niya namamalayan na nandito ako sa tabi niya.

"Sino ka?" Tanong ko kaya dahan dahan siyang napalingon sa akin. Walang nagbago sa kanyang mukha kaya nakakapagtaka.

"Sa wakas at nagising ka na din" saad niya bago naglakad papalapit sa akin.

"Nagising? Hindi ba panaginip ko lang ito?" tanong ko kaya napatango siya.

"Kabaliktaran kasi ang nangyayari sa lugar ng mga panaginip. Kapag ika'y natutulog sa realidad ibig sabihin gising ka sa lugar ng mga panaginip at kung gising ka naman sa realidad, ibig sabihin ika'y natutulog sa lugar na ito" paliwanag niya kaya napakunot ang aking noo.

"Ngunit bakit ngayon lang ako nakabalik dito?" Tanong ko pa kaya napatawa siya ng mahina.

"Napakaraming lugar na maaari mong puntahan sa lugar ng mga panaginip. Kusa akong naghihintay sa iyo dito dahil batid kong babalik ka din upang masagot ko ang lahat ng iyong mga katanungan" saad niya pa.

"Ngunit bakit ako? Bakit ako ang napili mo?" Tanong ko pa kaya napabuntong hininga siya at dahan dahang naglakad sa hardin kaya sinundan ko siya.

"Ang totoo niyan... hindi lang ikaw ang nakaranas ng ganitong sitwasyon... " saad niya kaya mas lalo akong nalito.

Itinuro niya ang punong kahoy na nakatayo sa tapat namin.

"Napakalaki na ng kahoy na ito... pwedi mo bang bilangin ang lahat ng sanga nito?" Tanong niya sa akin kaya napakurap ako.

A-ano? Bakit naman niya ipapabilang ang mga sanga sa kahoy na ito?

"Thirteen?" Nalilitong sagot ko kaya napatango siya.

"Labing-tatlong henerasyon na ang lumipas ngunit hindi ko pa din nahahanap ang taong magpapabago sa dalawang kaharian.." makahulugang sabi niya kaya hindi ko na nakayanan ang pagkalito ko.

"Pasensya na pero hindi po kita naiintindihan" diretsong tanong ko kaya napalingon siyang muli sa akin.

"Ikaw ang ikalabing-tatlong henerasyong pagsasabihan ko nito... ang tungkol sa sikretong tinatago ng ating pamilya" saad niya pa kaya napataas ang kilay ko.

Eclipse [Time Traveler Series #2] ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon