Eclipse 15

16 2 0
                                    

●●●○●●●

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

●●●○●●

Chapter 15: Meteor Shower

Dawn's POV

"A-ano?" Kunot noong tanong ko kay Dusk. Umayos siya sa kanyang pagkakatayo bago ako tiningnan.

"Hindi ba sinabi mong---"

"And you believed me?" Seryosong tanong niya kaya napahinto ako.

Shyeeeeeet!!! So narinig nga niya yun? So hindi ko lang yun guni-guni? Shyeeeeet...

Hindi ko na alam kung papaano ko siya sasagutin kaya natahimik ako. Ibinaling ko nalang ang aking paningin sa wishing well.

Shyet nakakahiya ka Dawn... Lupa kainin mo na ako please...

"Uhm.. b-babalik muna ako sa aking kwarto" saad ko upang makatakas sa kanya. Tumalikod ako upang hindi siya matingnan ng diretso sa mata ngunit nagulat ako noong hinawakan niya ang aking palapulsuhan.

Dahil sa paghila niya sa akin ay napalingon ako sa kanya at napansin ko ang pag-aalala mula sa kanyang mata.

"Dito ka lang... hindi ko alam pero pakiramdam ko bigla ka nalang mawawala kapag pinakawalan kita.. Natatakot ako Dawn... natatakot akong iiwan mo ako balang araw" saad niya kaya bumilis ng pagtibok ang aking puso.

A-ano?

Mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakahawak sa akin kaya napakunot ang aking noo.

Habang nakatitig sa kanyang mata hindi ko mapigilang hindi maalala ang sinabi ng babae sa aking panaginip.

Kailangan ko na daw umuwi ngunit... paano ko yun gagawin kung maiiwan ko si Dusk dito? Kaya ko kaya siyang iwan?

"Ano ba yang pinagsasabi mo? Hindi naman ako aalis" pangiting saad ko ngunit napakaseryoso pa din ng kanyang ekspresyon.

"Then mangako ka sa akin na hinding-hindi ka aalis ng walang pasabi" saad niya kaya napaiwas ako ng tingin.

H-hindi ko kaya...

"N-nasasaktan ako Dusk" saad ko habang nakatingin sa kamay niyang nakahawak sa akin. Bigla naman siyang natauhan at dali daling binitawan ang aking kamay.

"Aish.. huwag mo na ngang isipin yung sinabi ko" saad niya at napatingin muli sa wishing well.

Nalilito na ako... kailangan ko nang makauwi ngunit hindi ko kayang iwan siya...

"By the way... pupunta kami ngayon sa tabing dagat upang masaksihan ang meteor shower... sasama ka ba?" Tanong niya kaya napaisip ako.

Ito na ang tamang pagkakataon upang makauwi ako ngunit...

Eclipse [Time Traveler Series #2] ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon