Dalawang panig, dalawang kaharian, isang digmaan.
Mga sandatang nagsisilabasan, mga sundalong nakikipaglaban, mga dugong nagpapatakan.
Paano ba kami humantong sa ganito?
Nagmahal lang naman ako ngunit bakit digmaan ang kapalit nito?
Kung maibabalik...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
●
●●○●●●
Chapter 5: Luna
Dawn's POV
"Ayan! Ang cute niyong tingnan" maligayang sabi ng hari at napapalakpak pa sa tuwa.
Napatingin ako kay Dusk na ngayon ay halatang naiirita na. Pinasuot kasi kami ng hari ng 'twinning' na outfit. Isang kulay pulang semi-gown sa akin na may nakaburdang bulaklak ng ipomoea katulad nung kay Dusk. Nakasuot siya ng kulay pulang shirt at itim na ripped pants. Nakasuot din siya ng cloak kaparehas nung sa akin. Nakasuot ako ng kulay itim na wig ngayon upang itago ang buhok ko.
"Pwede ba lumapit pa kayo sa isa't- isa?" tanong ni Luna habang katabi ang isang painter na ginuguhit kami ngayon.
Magkatabi kami ngayon ni Dusk ngunit may isang metrong distansiya kami. Nasa harapan naman namin sina Luna, dad, at Amanda at katabi nila ang painter. May nakalagay na easel sa tapat ng painter at punong puno ng mga pintura ang lamesang nasa tabi niya.
"This is stupid" sambit ni Dusk at tumalikod. Dali dali naman siyang nilapitan ng ama at hinawakan ang kamay nito.
"Teka lang malapit na itong matapos" pagamamkaawa niya ngunit hindi nakinig ang anak.
"Alis na po kami bye" sabi niya at nagulat ako noong bigla niyang hinawakan ang palapulsuhan ko at hinila papalayo doon.
"Use protection! Ayaw ko pang magka- apo ng maaga!" Sigaw ng hari kaya mas lalong binilisan ni Dusk ang pagtakbo. Sinubukan ko namang magconcentrate sa pagtatakbo dahil baka mahuli ako.
****
Luna's POV
"Use protection! Ayaw ko pang magka- apo ng maaga!" Sigaw ni dad kaya hindi ko mapigilan ang aking tawa. Pilit din na pinipigilan ni Amanda ang sa kanya.
Inis na inis na umalis si kuya habang dali dal inaamng sumunod si Dawn.
"Sa tingin niyo, magiging maayos lang ba sila?" Tanong ko at dahan dahang napalingon kay dad at Amanda. Panandalian kaming nagititgan ni dad at maya- maya pa ay napangisi dahil mukhang alam ko na kung ano ang iniisip niya.
Napakunot naman ang noo ni Amanda dahil sa inaasal namin ni dad.
"Everyone! Kunin niyo na ang spy outfits niyo at ang inyong binoculars. May gagawin tayong himala." anunsiyo ni dad habang hindi pa din nawawala ang ngisi sa kanyang labi.
Napahampas sa sariling mukha si Amanda dahil sa narinig habang napapapalakpak ako sa tuwa.
*****
Dawn's POV
"F*ck! They're insane. Hindi ko inaakalang kadugo ko sila" inis na sambit niya noong nakalabas na kami sa pinto. Napatawa nalang ako dahil sa reaksyon niya.