Dalawang panig, dalawang kaharian, isang digmaan.
Mga sandatang nagsisilabasan, mga sundalong nakikipaglaban, mga dugong nagpapatakan.
Paano ba kami humantong sa ganito?
Nagmahal lang naman ako ngunit bakit digmaan ang kapalit nito?
Kung maibabalik...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
○○○●○○○
"Hello? Hello Ms. G?" Tanong ni Eunice habang sinusubukang ayusin ang relong suot nito.
"Tangina ngayon ka pa talaga masisira kainis! Ms. G kung maririnig mo ito please help me" saad niya at inilapit ang kanyang relo sa kanyang bibig.
"I think I'm stuck in a different dimension.."
****
Chapter 1: Lucid Kingdom
Dawn's POV
"Dawn..." boses ng isang babae ang narinig ko. Napakamalumanay ng kanyang boses na para bang isang anghel ang nakikipag-usap sa akin.
Dali dali kong binuksan ang aking mata at ngayon ko lang napansin na nasa hardin pala ako. Isang napakagandang hardin. Maraming mga bulaklak sa paligid at mga paruparo. Napakunot ang aking noo noong mapansin na kulay kahel ang kalangitan.
Nasaan ako?
"Nakarating ka na din" saad muli ng babae kaya dali dali kong hinanap ang boses.
Napansin ko ang isang babaeng nakatayo sa tapat ng bahay- kubo sa gilid. Nasa labas lang siya at nakatingin sa akin.
Maputi siya at kulay itim ang kanyang buhok. Nakasuot siya ng pulang bestida at nakapaa lang. Kulay pula ang kanyang mapupungay na mata, matangos ang ilong at mapupula ang labi.
"Sino ka?" tanong ko ngunit hindi siya kumibo.
"Dawn..."sabi niya ngunit napakunot ang aking noo dahil hindi niya ibinubuka ang kanyang bibig. Nakakasiguro akong galing sa kanya ang boses na iyon..
"Prinsesa! Prinsesa!" Dali dali kong binuksan ang aking mata noong marinig ang boses na iyon. Kaagad akong bumangon sa aking higaan kaya sumakit ang aking ulo. Napahawak ako doon at kunot noong napatingin sa isang kasambahay namin na hingal na hingal .
"Kailangan niyo na pong bumangon kung hindi... mapapagalitan kayo ng mahal na hari" sabi niya kaya napakamot ako sa aking ulo at pilit na pinoproseso ang sinabi niya. Kakagising ko lang tapos ganyan na ang bungad niya sa akin?
"Bakit? Bakit naman ako pagagalitan ni ama?" kunot noo kong tanong kaya dahan dahang lumapit ang kasambahay sa aking tenga. Inilagay niya sa gilid ng kanyang mukha ang kanyang kamay upang walang ibang makarinig sa amin.
"Ngayon na po ang unang inspeksyon niyo sa kaharian bilang nakoronahang prinsesa" sabi niya kaya kaagad na nanlaki ang mata ko.
"Kapag hindi ka gigising ng maaga bukas... isang buwan kang hindi makakalabas sa iyong silid"