○○○●○○○
Chapter 20: Dungeon
Dawn's POV
"Nakakulong ngayon dito ang hari ng Caliginous Kingdom.. at hinihintay ng iyong ama ang pagdating ng kanyang anak na si Dusk dahil balak niyang tapusin ang buhay nito"
Hindi... Hindi ito totoo..
"Nais ko siyang puntahan ngayon..." seryosong saad ko kaya napangisi siya. Dahan dahan akong lumapit sa kanya ngunit hindi siya natinag sa paglapit ko.
"Bakit ko naman gagawin yun?" Tanong niya kaya tinaasan ko siya ng isang kilay.
"Dahil kaibigan mo ako" saad ko kaya dahan dahang nawala ang ngisi sa kanyang labi. Napakunot ang kanyang noo at dahan dahan siyang napahawak sa kanyang ulo. Pilit niya itong hinahampas ng malakas at mukhang nasasaktan siya dahil dito.
T-teka.. Anong nangyayari sa kanya? Masakit ba ang ulo niya? Kung ganoon bakit niya ito hinahampas?
"Blaze.. anong nangyayari sa iyo?" Tanong ko ngunit napaupo lang siya. Isinubsob niya ang kanyang ulo sa kanyang tuhod. Lalapitan ko na sana siya ngunit bigla niyang itinaas ang kanyang palad na para bang sinasabi sa aking huwag siyang lapitan.
Napahinto ako at napakunot ang aking noo dahil sa inasal niya.
"F*ck!" Sigaw niya at maya-maya pa ay huminto siya sa paghahampas ng kanyang ulo. Nag-alala naman ako dahil hindi na siya gumagalaw ngayon.
"Blaze!? Blaze huwag mo nga akong takutin!" Saad ko at tuluyan na siyang nilapitan. Hinawakan ko ang kanyang balikat ngunit nagulat ako noong bigla niyang hinawakan ang aking kamay.
"P-papayag akong mapuntahan mo siya" saad niya kaya napakunot ang aking noo.
Ngunit hindi ba hindi siya sang-ayon tungkol doon noon? Bakit pabigla-bigla nalang siyang pumayag?
Dahan dahan niyang iniangat ang kanyang paningin at noong nagtama ang mata namin ay napangiti ako. Nakikilala ko na ang kanyang mga mata ngayon...
Bumalik na ang bestfriend ko...
"P-pero bilisan natin. Hangga't nakokontrol ko pa ang aking sarili" saad niya at pilit na tumayo. Inalalayan ko siya at napansin kong napahawak pa din siya sa kanyang ulo.
"Anong ibig mong sabihing nakokontrol mo pa ang iyong sarili?" Tanong ko ngunit hindi niya ako pinansin at sa halip ay hinila niya ako papaalis sa aking kwarto.
Hinarang kami ng mga gwardiya kaya napahinto kami.
"Nais ko lang maipasyal ang prinsesa" saad ni Blaze kaya nagkatinginan ang dalawang gwardiya.
BINABASA MO ANG
Eclipse [Time Traveler Series #2] ( Completed )
FantasyDalawang panig, dalawang kaharian, isang digmaan. Mga sandatang nagsisilabasan, mga sundalong nakikipaglaban, mga dugong nagpapatakan. Paano ba kami humantong sa ganito? Nagmahal lang naman ako ngunit bakit digmaan ang kapalit nito? Kung maibabalik...