Eclipse 28

8 1 0
                                    

○●○●○●

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

○●○●○●

Chapter 28: Rightful Heir

Dusk's POV 

"Magsama kayo sa impyerno" saad niya bago ipinutok ang baril.

"Dad!!!!!" Sigaw ni Luna noong tumama ang baril sa dibdib ni dad--- uncle Knight... F*ck! Hindi ko na alam kung ano ang dapat kong itawag sa kanya...

Sinubukan ni Luna na makalapit sa kanya kaya inalalayan siya ni Amanda.

Napahiga si dad sa tabi ng ina ni Dawn dahil nanghihina na siya. Napaluhod naman si Luna sa tapat nila at hinawakan ang kamay ni dad.

Kahit hindi namin siya tunay na ama, tinuring niya pa dim kami na parang sarili niyang anak. Mag-isa niya kaming pinalaki at ginagawa niya ang lahat upang makasama kami kahit na marami siyang mga inaasikaso sa palasyo. Palagi niya kaming pinaglalaanan ng oras.

Siya ang unang nagturo sa akin kung papaano mangaso, siya din ang naguro kay Luna kung papaano gamitin ng maayos ang kanyang kapangyarihan.

Tuluyan nang umiyak si Luna kaya nagbabadya na din na tumulo ang aking luha.

F*ck..

"Luna I'm sorry.." mahinang sambit ni dad kaya napailing si Luna.

"Hindi ka dapat humihingi ng tawad. Ikaw pa din ang dad na kilala ko kahit na hindi mo kami tunay na anak... I love you dad" saad ni Luna at niyakap si dad. Umiwas naman ako ng tingin dahil tuluyan nang umulo ang aking luha. Nilingon ko ang ama ni Dawn at iniyukom ang aking kamao.

Paano niya nagawang ngumiti pagkatapos ng ginawa niya? Biglang nandilim ang aking paligid at kusang tumakbo ang paa ko papunta sa pwesto niya. Buong pwersa kong isinaksak ang aking espada sa kanyang dibdib kaya nanlaki ang kanyang mata.

Dahan dahang hinawakan ng hari ang kanyang nagdurugong dibdib.

"Sinaktan niya ang mahal na hari! Atakihin sila!" Sigaw ng isang kawal sa Lucid kaya nagsigawan silang lahat at tumakbo papunta sa akin. Naging alerto naman ang mga kawal sa panig ko at dali daling tumakbo upang protektahan ako.

Itinapat ni Captain ng aming panig ang kanyang espada noong may nagbalak na atakihin ako.

"Nandito lang ako sa iyong likuran mahal na prinsipe" saad niya at nakipaglaban sa isang kawal.

Kinuha ko na ang espadang nakadiin sa hari kaya naoaluhod siya dahil sa skait na nararamdaman habang hawak niya pa dina ng kanyang dibdib.

Nabitawan naman niya ang hawak niyang baril kaya dali dali ko itong kinuha.

"D-Dusk?" Biglang sabi ng isang babae kaya dali dali ko itong hinanap.

Nakita kong nakatayo sa tapat ko ngayon si Dawn habang hawak hawak ang lubid ng kanyang kabayo. Nakalagay naman sa kanyang bibig ang isang kamay niya dahil hidni siya makapaniwala sa kanyang nakikita ngayon.

Eclipse [Time Traveler Series #2] ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon