Dalawang panig, dalawang kaharian, isang digmaan.
Mga sandatang nagsisilabasan, mga sundalong nakikipaglaban, mga dugong nagpapatakan.
Paano ba kami humantong sa ganito?
Nagmahal lang naman ako ngunit bakit digmaan ang kapalit nito?
Kung maibabalik...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
●●●○●●●
Chapter 11: Ipomoea
Dawn's POV
Dahan dahan kong binitawan ang pinto at unti unting lumingon kay Dusk. Nagulat ako noong mapansing nakaupo na pala siya ngayon sa upuang inihanda ni Luna.
Sinindihan niya din ang mga kandilang nakalagay sa gitna ng lamesa upang magkaroon kami ng ilaw. Ngayon ko lang napansin na hawak hawak ko pa din ang platong naglalaman ng sunog kong steak. Napalunok nalang ako noong magtama ang mata namin ni Dusk. Dahan dahang bumaba ang tingin ko sa kanyang katawan kaya dali dali akong napaiwas ng tingin. Shyet shirtless pa din siya hanggang ngayon. Bakit ba kasi hindi siya nagsuot ng shirt? Bakit cloak lang at shorts?
"Wala ka bang planong umalis dito?" tanong ko upang hindi niya mapansin ang pangmamanyak ko sa kanyang katawan.
"What do you mean?" kunot noo niyang tanong habang isinandal ang kanyang siko sa lamesa.
"I mean you can summon a sword right? Bakit hindi mo iyon gamitin upang gibain ang pintong ito?" tanong ko kaya bigla siyang napangisi.
"And why would I do that?" tanong niya ng may halong nakakalokong tono sa kanyang boses.
"Then why won't you do it?" Habol na tanong ko kaya mas lalo siyang napangisi.
"Because I want to spend more time with you. Hindi natin alam na bukas makalawa hindi na pala natin ito mauulit." sabi niya at unti unting naging seryoso ang kanyang tono. Napahinto naman ako at biglang bumilis ang tibok ng aking puso dahil sa kanyang sinabi.
Wait what? B-bakit naman niya sasabihin yun?
"Umupo ka muna dito" sabi niya sabay turo sa upuang nasa tapat niya.
Napabuntong hininga nalang ako bago dahan dahang naglakad papalapit sa kanya at umupo sa upuang tinutukoy niya.
Napakunot ang kanyang noo noong mapansin ang hawak-hawak kong steak.
"Is that for me?" tanong niya sabay turo sa steak. Bigla namang napaurong ang aking dila at dahan dahan kong itinago ang niluto ko.
"A-ah oo... niluto ko yan para sayo bilang gift ko para sa birthday mo pero nasunog ko..." saad ko at napayuko dahil hindi ko kayang tignan siya ng diretso sa mata dahil nahihiya ako.
"I thought you were a maid? Hindi ba dapat alam mo kung papaano magluto?" tanong niya kaya dali dali kong inangat ang aking paningin.
Shyet.. mag-isip ka ng alibi Dawn...
"A-ah k-kasi hindi ako ang naka- assign sa kusina... I-isa akong tagapagsilbi sa prinsesa. Ako yung nag-aayos at nag-aasikaso sa kanya ha.ha.ha" nauutal ko na sabi at mabuti nalang nabenta yun sa kanya.