Eclipse 25

8 1 0
                                    

○○○●○○○

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

○○○●○○○


Chapter 25: Threat

Dawn's POV 

Si Dusk ang totoong tagapagmana sa dalawang kaharian...

Lahat ng mga ninuno ko ay nanggagaling sa timawang pamilya at hindi dapat kami nagpapakasaya sa trono...

We're just peasants... and that means I'm not a real princess...

Kailangan kong pagsabihan si ama....

Kung masabihan ko na siya tungkol dito paniguradong may tyansang maiwasan namin digmaan. Tama kailangan kong ipakita kay ama ang kwadernong ito at ipabasa ito sa kanya upang malaman niya ang katotohanan. 

Dali dali kong kinuha ang pulang kwadernong nakalatag sa sahig dahil nabitawan ko ito kanina. Kailangan kong magmadali... 

Dali dali kong sinara ang pintuan ng kwartong iyon at naghanap ng napakalapit na pintong maaari kong labasan. Nabasa ko ang salitang Royal Portrait Room. Hinanap ko ang button upang mabuksan ko ang pintong iyon. Hinimas ko lahat ng side nito at napangiti ako noong may nahagilap ako. Pinindot ko iyon at dahan dahang nahati ang pader ng Royal Portrait Room. 

Napanganga pa ako dahil paglabas ko sa pintuang iyon ay nasa loob na talaga ako ng Royal Portrait Room. Nakakamangha. Tukuyan na akong lumabas at biglang sumara ang pinto. Napalingon akong muli at napakunot ang aking noo dahil ang daan pala papasok sa secret passageway na iyon ay ang portrait ni reyna Eclipsa at ang kanyang asawa.

Shyet...

"Anak?" Muntik ko nang mabitawan ang hawak na kwaderno noong makita si ina. Gulat siyang nakatigin sa akin ngayon.

Kanina pa kaya siya nakatayo doon? Nakita niya ba akong lumabas mula sa sekretong lagusan?

"Ina!" Saad ko at dali dali siyang nilapitan. Napatingin naman siya sa kwadernong hawak ko.

"Ano yan anak?" Tanong niya sabay turo sa kwaderno. Dali dali ko itong ibinigay sa kanya kaya napatingin siya sa nakaukit nito.

Nakakunot ang kanyang noo habang pilit na tinitingnan ito. Base sa ekspresiyon ng kanyang mukha, mukhang ngayon niya lang ito nakita.

"Basahin niyo" saad ko kaya kahit nalilito ay binuksan niya ito. Halos kalahating oras niya itong binasa bago nakaabot sa pinakahuling pahina ng kwaderno kaya umupo muna ako sa isang gilid. Sinabihan ko siyang umupo sa tabi ko ngunit hindi niya ako pinansin dahil napakaseryoso niya sa pagbabasa sa kwaderno.

Dahan dahan siyang napatingin sa akin at nakakunot lang ang kanyang noo.

"A-anong--- saan mo ito nahanap?" Tanong niya kaya tumayo ako.

"Nagpaparamdam din ba sa inyo noon ang isang babaeng nakasuot ng pulang bestida?" Tanong ko kaya napatango siya.

"Ngunit hindi ko na siya nakita simula noong pinakasalan ko ang ama mo" saad niya kaya napatango ako.

Eclipse [Time Traveler Series #2] ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon