Eclipse 7

25 1 0
                                    

●●●○●●●

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

●●●○●●●

Chapter 7: Training

Dawn's POV

"Nagbibiro ka ba?" kunot noo kong tanong kaya napangisi siya.

"Sa tingin mo? Nagbibiro ba ako?" pahabol na tanong niya kaya mas lalo akong naguluhan. Sasagot na sana ako ngunit biglang kumidlat. Dali dali kaming napaalis ni Amanda sa silid dahil nagbabadya ng umulan. Pumasok kaming muli sa loob ng palasyo upang hindi kami mabasa.

"Bakit pabigla- bigla nalang umuulan dito?" tanong ko habang pinapagpag ang damit kong medyo nababasa na dahil naabsutan kami ng ulan.

"Magtra- training sina Luna at Dusk ngayon sa rooftop. Manunuod ka ba?" tanong niya kaya napalingon ako sa kanya.

Inilagay niya ang basang libro sa isang lamesa at itinali ang kanyang kulay brown na buhok.

"Bakit ngayon?" tanong ko kaya kinuha niyang muli ang libro mula sa lamesa dahil tapos na siya sa pagtali ng kanyang buhok.

"Ewan ko. Trip nilang magtraining tuwing umuulan at kumikidlat" sabi niya at nagsimula na sa paglalakad papunta sa hallway ng palasyo. Dali dali ko naman siyang sinundan.

"So ngayon talaga sa rooftop? Punta tayo" saad ko kaya napahinto siya sa paglalakad at napalingon sa akin. Ngayon ko lang namalayan na nasa tapat na pala kami ng hagdan.

"Busy ako. Ikaw nalang" saad niya at dumeretso sa library.

Ay sungit naman. Umakyat ako sa hagdan hanggang sa nakaabot ako sa rooftop. Napapansin kong abala sa paglilinis ang mga kasambahay kaya napakunot ang aking noo.

May event bang mangyayari?

Huminto ako sa tapat ng pinto ng rooftop at napabuntong hininga muna ako bago binuksan yun.

Muntik na akong malula dahil sa laki ng rooftop. Grabe rooftop ba to? Parang arena na eh. May mga benches na nakapalibot sa field at malaki ang espasyo ng field.

Napansin kong nakatayo sa gitna si Dusk at halatang may hinihintay. Noong napansin niya ako ay dahan dahan siyang napalingon sa akin. Napakunot ang noo niya dahil mukhang hindi niya ako inaasahan.

"Anong ginagawa mo dito?" kunot noong tanong niya at dali dali akong nilapitan.

"Sabi ni Amanda na magtra-training daw kayo ni Luna dito. Gusto ko lang kayong makita" saad ko kaya nagulat ako noong bigla niyang hinawakan ang palapulsuhan ko at kinalakdkad ako papunta sa bench.

"Fine you can stay but promise me na kahit anong mangyari mananatili ka lang diyan hanggang sa matapos ang laban namin okay?" tanong niya kaya napatango ako.

Biglang bumukas ang pinto at bumungad sa amin si Luna.

"Sorry na late ako" saad niya bago naglakad papunta sa gitna ng field. Umuulan pa din at kumikidlat hanggang ngayon. Napalingon si Luna at nagulat siya noong makita ako ngunit maya- maya p a ay napangiti siya at nag-wave sa akin.

Eclipse [Time Traveler Series #2] ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon