○○○●○○○
Chapter 18: Pink Roses
Third Person's POV
Inaayusan ng kanyang mga magulang ang batang nagngangalang Blaze. Inaayos ng kanyang ina ang buhok ng anak habang inaayos naman ng kanyang ama ang kanyang puting suit.
"Tandaan mo anak... kailangang maging malapit kayo ng prinsesa ha" saad ng ama habang nakatitig sa mata ng kanyang anak.
Napakunot naman ang noo ng bata dahil hindi niya nauunawaan ang plano ng kanyang mga magulang.
"Bakit kailangan ko pong gawin iyon?" tanong niya.
"Dahil ikaw lang ang kaedad ng prinsesa sa lahat ng mga anak ng mga Duke kaya gagawin mo ito para kay ina at ama ha? Makipagkaibigan ka sa prinsesa upang mahulog siya sa iyo at balang araw makukuha mo din ang trono" pangiting saad ng kanyang ama at bahagua pang napatingin sa kanyang asawa.
Noong nagbubuntis pa lang ang ina ni Blaze ay ninanais na ng mag-asawana magkatuluyan ang anak nila sa prinsesa dahil bigla silang nabigyan ng pag-asa noong malamang nagbubuntis din pala ang mahal na reyna. Halos magkasabay lang sila ngunit mas maagang nanganak ang ina ni Blaze.
Para sa mag-asawa, isa itong biyaya dahil nabigyan sila ng pagkakataong mapasakanila ang trono. Mula noon pa man ay ninanais na ng kanilang mga ninuno ang makuha ito ngunit palagi silang nabibigo.
Naniniwala ang kanilang ninuno noon pa man na baalng arawmakakamit din ng kanilang pamilya ang korona. At sa pagkakataong iyon, si Blaze ang kanilang nag-iisang susi. Susi papunta sa korona.
"Hindi po ba masama yun? Ginagamit natin siya para sa sarili nating kapakanan?" Tanong ng inosenteng bata kaya nginitian siya ng ama.
"Basta nakakabuti yun sa sarili mong kapakanan.... walang masama doon anak..." saad niya kaya napatango ang bata.
Kinuha ng ama ang isang bouquet ng pink na rosas na binili niya pa sa isang magarbong flower shop sa kanilang bayan. Ibinigay niya ito sa anak kaya tinanggap niya ito.
"Ibigay mo yan sa prinsesa" saad niya kaya muling tumango ang bata. Lumabas na silang tatlo sa kwarto at sumakay sa kanilang kalesa.
Umupo si Blaze sa tabi ng bintana habang nakaupo namana g kanyang magulang sa tapat niya. Habang umaandarang kalesa ay napalingon siya sa bintana.
Makipagkaiban sa prinsesa, mahalin ang prinsesa, kunin ang trono
Isip niya at iniulit-ulit ito upang maalala ang sinabi ng kanyang magulang.
Ilang minuto ang lumipas ay nakaabot na sila sa palasyo. Sinalubong sila ng mga gwardiya at mga katulong at nagbigay-galang sa kanilang pamilya.
Pinagbuksan sila ng kanilang kutsero atunang bumaba ang kanyang ama. Inalalayan naman niya ang kanyang asawa na makababa at iniwan ang kanilang anak. Kusang bumaba si Blaze habang bitbit ang bouquet na pinapadala ng kanyang ama sa kanya.
BINABASA MO ANG
Eclipse [Time Traveler Series #2] ( Completed )
FantasyDalawang panig, dalawang kaharian, isang digmaan. Mga sandatang nagsisilabasan, mga sundalong nakikipaglaban, mga dugong nagpapatakan. Paano ba kami humantong sa ganito? Nagmahal lang naman ako ngunit bakit digmaan ang kapalit nito? Kung maibabalik...