Dalawang panig, dalawang kaharian, isang digmaan.
Mga sandatang nagsisilabasan, mga sundalong nakikipaglaban, mga dugong nagpapatakan.
Paano ba kami humantong sa ganito?
Nagmahal lang naman ako ngunit bakit digmaan ang kapalit nito?
Kung maibabalik...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
●●●○●●●
Chapter 8: Eve
Dawn's POV
"This is all your fault!" galit na sigaw ni Dusk habang nagpatuloy sa pagtatakbo.
Mas binilisan ko din ang takbo ko na para bang doon nakadepende ang buhay ko, which is true by the way. Napalingon ako sa aming likuran at napansin kong hindi pa din tumitigil sa paghahabol ang mga lobo sa amin.
Sht! Bakit ba kami umabot sa puntong ito?
"My fault?! Bakit naging kasalanan ko pa?! Sinundan lang naman kita. Hindi ko naman alam na mangyayari to!" sigaw ko at ibinalik ang paningin sa daan. Sandali akong napasulyap sa kanya at napansin kong seryoso siyang nakatingin sa kanyang dinadaanan.
"F*ck you!" inis na sigaw niya kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"F*ck you ka din!"
*few hours ago*
Padabog akong humiga sa aking higaan. Tulala akong napatitig sa puting kisame. Isang linggo na ang lumipas magmula noong napadpad ako dito sa Caliginous Kingdom. So far wala pa namang ginagawang kababalaghan si ama kaya mas lalo akong kinakabahan.
Papaano kung may pinaplano na pala siyang masama ngayon? Kailangan ko na talagang umuwi tutal... mukhang hindi ko maisiksik ang sarili ko sa buhay ni Dusk.
Bigla kong naalala ang babae sa painting na nakasabit sa kwarto ni Dusk. Nasaan na kaya siya? Napakaperpekto ng babaeng yun... kaya anong lamang ko sa kanya?
Napahilamos nalang ako sa aking mukha noong maalala ang reaksiyon ni Dusk noong araw na iyon.
Flashback
"Anong ginagawa mo dito?" nabitawan ko ang hawak na gasera dahil sa pagkagulat. Mabuti nalang at hindi ito nabasag.
Dali dali akong napalingon sa aking likuran at muntik ng atakihin ang puso ko dahil sa aking nakikita.
Dahil tanging ang ilaw lang sa aking gasera na nahulog sa sahig ang nagbibigay ilaw sa loob ng kwarto, medyo naaaninag ko ang mukha niya ngayon. Nakahubad ang upper part ng kanyang katawan habang natatakpan naman ng towel ang lower part niya. Basang basa ang buhok niya ngayon at may tumutulo pang tubig mula doon na tumama sa kanyang dibdib.
Napatitig ako sa droplet na pababa ng pababa sa kanyang katawan. Bakat na bakat ang bicep niya at noong medyo bumaba ang droplet ay doon ko lang napansin na may walong pandesal pala siya. Napalunok ako noong tuluyan ng bumaba ang droplet.
Sht umayos ka nga Dawn! Bawal ang pangmamanyak dito dahil hindi pa pang-mature ang storyang ito!
"Nangmamanyak ka ba sa akin?" pangising saad niya kaya natauhan ako. Ngayon ko lang napansin na medyo nakaawang ang bibig ko at may laway pang tumulo doon. Dali dali ko itong pinunasan kaya bahagya siyang napatawa.