Eclipse 21

10 1 0
                                    

○○○●○○○

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

○○○●○○○

Chapter 21: A Temporary Escape from Reality


Dawn's POV 

Kailangan kong makatakas dito. Kailangan kong pumunta sa Caliginous upang pagsabihan sina Dusk at Luna tungkol sa plano ni ama. 

Ngunit papaano ko magagawa yun? Papaano ako makakatakas dito kung mahigpit ang seguridad ni ama sa buong palasyo? 

Hindi... huwag kang mawalan ng pag-asa Dawn. Kailangan kong subukan man lang na makatakas. 

Napatingin ako sa bintana at napangiti ako noong may naisip akong magandang plano. Sa oras ng oplan takas ko palaging karamay ko ang mahal kong bintana. Dali dali akong naglakad doon at binuksan ito. Inilabas ko ang aking ulo dito at tiningnan ang view sa labas. Napalingon ako sa gilid kung saan may nakatanim na malaking puno. 

Tama dito ako aakyat pababa. Napalingon ako sa ibaba at napangiti ako noong makitang walang katao-tao sa paligid. 

Nice. 

Isasampa ko na sana ang aking paa sa bintana ngunit napahinto ako noong may napansin ako. Napakunot ang aking noo at pilit na sinisiguro kung tama ba itong nakikita ko. 

May isang napakapamilyar na ibon ang lumilipad sa himpapawid at papunta na ito sa akin ngayon. May dala dala siya sa may paa niya at muntik pa akong mapasigaw sa tuwa dahil nakikilala ko iyon. 

Si Arrow ang ibong iyon! At dala-dala niya si Lumina! 

Shyet. 

Dali dali kong isinara ang bintana at binuksan ang pinto papunta sa aking veranda. Lumapag si Arrow sa sahig ng aking veranda kaya dali daling tumakbo si Lumina papunta sa akin. Agad ko siyang niyakap at muntik pa akong maluha dahil sa saya. Ngayon ko lang naaalala na hindi pala ako nakapagpaalam sa kanya ng maayos... 

Kumawala siya sa aking pagkakayakap at ibinigay sa akin ang isang papel na kanina niya pa bitbit sa kanyang bibig. Kinuha ko iyon at binuksan. 

Tumingin ka sa ibaba 

Napakunot ang aking noo dahil sa mensaheng iyon. Napakaganda ng pagkakasulat ng mga salita na para bang naka-enggrave. 

Napatingin ako kay Arrow at ngayon ko lang napansin na lumiliwanag pala ang kulay lila niyang mata. Ibig sabihin nakikita din ako ni Dusk ngayon! 

Dali dali kong hinawakan ang railings ng aking veranda at napatingin sa ibaba. Biglang bumilis ang tibok ng aking puso noong makita ko siya. 

Nakatayo siya sa ibaba ng aking veranda habang nakatingin sa akin. Medyo magulo ang kulay itim niyang buhok dahil tinatangay ito ng hangin ngayon. Nakababa din ang hood ng kanyang itim na cloak na bahagya ding tinatangay ng hangin. Nakasuot siya ng itim na half sleeve polo at nakabukas ang dalawang butones sa ibabaw nito. Nakatuck-in ito sa kulay brown niyang pants na may katernong black boots. 

Eclipse [Time Traveler Series #2] ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon