Eclipse 17

14 1 0
                                        

●●●○●●●

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

●●●○●●

Chapter 17: War

Dawn's POV

Napansin ata ng hari na may nakatingin sa kanya kaya dali dali akong nagtago sa likod ng speaker.

Noomg lumipas ang ilang minuto ay dali dali akong tumayo at bababa na sana ako upang sumama sa mga gwardiya ngunit may biglang humila sa kamay ko. Dahil sa malakas na paghila niya ay hindi ko inaasahang makalingon sa kanya. Bahagyang lumipad ang saya ng gown ko at dahil sa mabilis kong pag-ikot ay aksidente akong natapilok mabuti nalang at dali dali niya akong nasalo.

Nakahawak ako ngayon sa kanyang dibdib habang hawak hawak naman niya ang aking bewang. May napansin akong kakaibang pulang liwanag na nanggagaling sa itaas namin kaya inangat ko ang aking paningin.

"Woaaaah!! At may napili na ang blood moon!!!" Masiglang sabi ng emcee kaya naghiyawan ang mga tao habang nakatingin sa aming dalawa ni Dusk.

Lahat ng mga ilaw ay nakatutok sa amin at maya-maya pa ay nagsimula nang tumugtog ang mahinang musika. Habang nakatitig sa kanyang kulay lilang mata, may naramdaman akong kakaiba. Hindi ko iyon mapaliwanag kaya nakakapagtaka.

Dahan dahan niyang inilagay ang dalawa kong kamay sa kanyang balikat bago ibinalik ang kanyang kamay sa aking bewang.

"You owe me a dance" pangiting saad niya kaya natulala ako.

Siya ang unang gumalaw mabuti nalang at nasundan ko ang kanyang galaw. Mabuti nalang at sanay na ako sa mga sayawang ito dahil isa din ito sa mga pinag-aralan ko noong ako'y bata pa. Sumayaw kami hanggang sa nakaabot kami sa gitna. Nakatutok pa din silang lahat sa amin pati na din ang mga lights na nakalagay sa rooftop.

"Dawn.. mukhang totoo na nga itong nararamdaman ko.." panimula niya bago ako inikot dahil parte iyon sa pagsasayaw namin.

"Anong--" kunot noo kong tanong kaya noong nagtugma ang aming mata ay nagsalita siya.

"I love you" saad niya at dahan dahang hinawakan ang mukha ko at bahagya siyang yumuko. Idiniit niya ang kanyang labi sa akin kaya nanlaki ang aking mata.

Hindi ko alam ngunit ipinikit ko ang aking mata at tila pinapakiramdaman ang mga paruparong nagliliparan sa aking tiyan.

Mas lalo kong idiniin ang aking sarili sa kanya habang mas lalong hinigpitan ang pagkakahawak sa kanyang braso.

Gusto kong huminto pansamantala ang oras sa pagkakataong ito... Gusto ko pa siyang makasama ng matagal... gusto kong nasa tabi ko lang siya..

Ngunit... mukhang hindi na iyon mangyayari pa dahil...

Nakarinig kami ng putok ng baril kaya napahinto kami. Dali dali kaming naghiwalay ni Dusk dahil sa tunog na iyon. Tumahimik naman ang paligid at tila ba lahat sila ay nakatingin sa aking likuran. Pati na din si Dusk. Dahan dahan akong lumingon at muntik pa akong mawalan ng balanse dahil sa aking nakita.

Eclipse [Time Traveler Series #2] ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon