Eclipse 23

12 1 0
                                    

○○○●○○○

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

○○○●○○○

Chapter 23: Sunny & Knight

Sunny's POV (Ina ni Dawn)

Kapag ba sinabing may isang taong nakatadhana para sa iyo ibig bang sabihin nun ay siya na ang makakatuluyan mo sa huli?

Isa lang ang sagot ko niyan.

Siguro...

Siguro oo kung wala kayong sumpa na nananalatay sa inyong dugo. Kung ordinaryong tao lang kami ay paniguradong may malaking tyansang makakatuluyan ko nga ang taong nakatadhana para sa akin.

Siguro hindi din kung nagkaproblema ba kayo o kung isa kang panganay sa royal family... katulad ko.

Noon desidido akong baguhin ang kapalarang nakalaan para sa aming dalawa. Nais kong putulin ang sumpang nananalatay sa aming dugo. Nais ko siyang makasama at makatuluyan ngunit... kahit anong pilit ko, kahit anong gawin ko, sa huli may masasaktan, may mawawala, at may mamamatay.

Naglakad ako pababa sa underground kung saan nakalagay ang dungeon. May inaasikaso ang asawa ko ngayon kaya pasimple akong tumakas upang pumunta sa kwarto ni Dawn. At ngayon... bago ko tulungan si Dusk na itakas ang kanyang ama, nais ko muna siyang makausap sa huling pagkakataon. 

Nais ko siyang makausap... at nais ko din siyang makita.

Huminto ako sa tapat ng kanyang selda. Nagbigay galang ang dalawang gwardiya sa akin kaya sinenyasan ko silang umalis muna sandali. Hindi sila nagdalawang-isip na sundin ang utos ko.

Naalimpungatan siya at dahan dahang napatingin sa akin. Napahinto ako noong makita ko na ng tuluyan ang kanyang mukha. 

Puno man ito ng dugo.. alam kong pamilyar pa din para sa akin ang mukhang iyan.

Ang mukha ng minamahal ko...

Flashback

Pasimple akong tumakas mula sa aming palasyo dahil abala sila ngayon sa pag-aayos para sa aking ikalabing-walong kaarawan. Dali dali kong sinuot ang puting balabal ko at kinuha ang pinakapaborito kong kabayo na kulay puti.

Sinakyan ko siya at dali daling pinatakbo papunta sa kagubatan. Noong maabot ko na ang Forbidden Wall ay dali dali kong tinali ang kabayo upang hindi siya mawala.

Nilapitan ko ang maliit na butas na napansin ko lang noong isang linggo. Napabuntong hininga muna ako bago tuluyang pumasok sa loob.

Biglang nag-iba ang atmospera ng paligid. Biglang guminaw at dumilim. Pagkatapak ko pa lang sa lupa ay muntik pa akong napasigaw noong madulas ako. Dahil doon nagpagulong-gulong ako dahil pababa pala ang lupa dito.

Noong nakaabot na ako sa patag na lupain ay dali dali kong ininspeksiyon ang aking sarili. Mabuti nalang at wala akong galos.

Paika- ika akong naglakad papasok sa kagubatan ng Caliginous Kingdom.

Eclipse [Time Traveler Series #2] ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon