Dalawang panig, dalawang kaharian, isang digmaan.
Mga sandatang nagsisilabasan, mga sundalong nakikipaglaban, mga dugong nagpapatakan.
Paano ba kami humantong sa ganito?
Nagmahal lang naman ako ngunit bakit digmaan ang kapalit nito?
Kung maibabalik...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
●●●○●●●
Chapter 9: Lake of Fire
Dawn's POV
Ang sakit ng ulo ko. Dahan dahan kong biuksan ang aking mata at napakunot ang aking noo noong mapansin ang puting kisame. Napahawak ako sa aking ulo upang huminto na ang sakit nito. Dahan dahan akong umupo at napakunot ang aking noo dahil hindi pamilyar sa akin ang lugar na ito.
Nasa loob ako ng isang puting cottage sa gitna malawak na lawa.
Ah sht paano ba ako napadpad dito?
"Akala ko hindi ka na gigising" biglang sabi ni Dusk kaya dali dali ko siyang hinanap. Nakaupo siya sa tapat ng isang campfire sa labas ng cottage.
Ngayon ko lang napansin na ibinalot niya ako sa cloak namin. Hindi na ito basa kaya I guess pinatuyo niya muna ito bago ibinalot sa akin. Tumayo ako at tumabi sa kanya. Inilapit niya ang kanyang kamay sa campfire dahil nanginginig na siya.
Kinuha ko ang kanyang cloak at isinuot yun sa kanya. Isinuot ko din ang sa akin.
"Bakit ba kasi tinanggal mo ang iyong cloak? Ayan tuloy giniginaw ka na" saad ko kaya hinawakan niya ng mahigpit ang kanyang cloak.
"Nanginginig ka kasi kanina kaya wala na akong ibang choice" sabi niya at muling itinapat ang dalawang kamay sa apoy. Ginaya ko din siya dahil nagsisimula na din akong manginig.
"Ano ba ang nangyari?" tanong ko kaya napaiwas siya ng tingin.
"Tumalon tayo sa waterfalls at nawalan ka ng malay k-kaya dinala kita dito a-at" sabi niya at dahan dahang napalingon sa akin. Nakatitig siya sa labi ko kaya napakunot ang noo ko.
"At?" tanong ko pa.
"And I kinda... did a cardiopulmonary resuscitation k-kasi hindi ka na humihinga dahil marami ng tubig ang nasa loob ng katawan mo" sabi niya kaya dali dali akong napahawak sa labi ko.
I-ibig sabihin...
"Huwag mo nga akong tingnan ng ganyan! Ginawa ko lang naman yun para iligtas ka" depensa niya kaya tulala akong napatingin sa kanya. Umiwas siya ng tingin kaya napaiwas din ako.
"W-wala naman akong sinasabing nagrereklamo ako ah" sabi ko kaya napakunot ang kanyang noo. Nanlaki naman ang aking mata noong marealize ang sinabi ko.
Sht baka ma-misunderstand niya...
"A-ang ibig kong sabihin hindi ako galit na ginawa mo yun nagpapasalamat pa nga ako at niligtas mo ang buhay ko" pagpapaliwanag ko kaya napatango siya.
Ibinaba niya ang kanyang kamay at hinigpitan ang pagkakahawak sa cloak. Giniginaw pa din ba siya?
"Giniginaw ka pa din ba? Gusto mo bang hiramin ang cloak ko?" tanong ko kaya dali dali siyang napailing. Tatanggalin ko na sana ang cloak ngunit bigla niyang hinawakan ang kamay ko.