Eclipse 27

5 1 0
                                    

○○○●○○○

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

○○○●○○○

Chapter 27: Final Battle

Dawn's POV

"Ina gusto ko munang mapag-isa" saad ko kaya napatango siya. Tumayo siya at pinihit ang doorknob.

"Tawagin mo lang ako kapag may kailangan ka" saad niya kaya tumango ako. Tuluyan na siyang umalis kaya tulala akong nakatitig sa pinto.

Ano na ngayon?

****

Sunny's POV 

Kahit labag man sa kalooban kong iwan si Dawn ngayon sa kanyang silid ngunit kailangan kong respetuhin ang sinabi niya. Nais niyang mapag-isa kaya susundin ko iyon.

Naaalala ko ang dating sarili ko sa kanya. Nagkulong din ako ng ilang araw bago ang kasal namin ni Light. Ang tanging kaibahan lang naming dalawa ay walang ina na dumamay sa akin noon. Nais nilang ina at ama na hindi ko makatuluyan si Knight. 

Naiintindihan ko ang nararamdaman ni Dawn ngayon. Ngunit kailangan niyang tanggapin ito para kay Dusk... 

Kailangan niyang pakawalan si Dusk para sa kaligtasan nito. 

Bumaba ako sa hagdan at napakunot ang aking noo dahil abala ang mga kawal sa palasyo. Hinahanap pa din ba nila si Luan? 

Nadatnan ko si Blaze at mukhang paakyat na sana siya sa hagdan. Hingal na hingal siya ngayon at pilit na hinahabol ang kanyang hininga.

Anong nangyari sa kanya?

"Mahal na reyna may masama po akong balita" saad niya kaya bigla akong kinabahan.

"Plano pong patayin ng mahal na hari ang lahat ng mga tao sa Caliginous na nandidito sa ating palasyo ngayon." Saad niya kaya napakunot ang aking noo.

Hindi ba't nangako siya kay Dawn na hindi niya iyon gagawin? Napakasinungaling talaga niya.

"Puntahan mo si Dawn at pagsabihan mo siya tungko lsa nalaman mo" saad ko kaya napatango siya. Aakyat na sana siya ngunit napahinto siya at muling lumingon sa akin.

"Kayo po ba? Saan niyo po ba balak pumunta?" Tanong niya kaya kaagad ko siyang sinagot.

"Pipigilan ko ang hari" saad ko bago tuluyang umalis sa aking pwesto. Dali dali akong naglakad palabas sa palasyo upang maabutan ang aking asawa.

*****

Dusk's POV 

"Kailangan na nating umalis" saad ko at dahan dahang tumayo. Pinunasan ko pa ang aking luha.

Kailangan na naming umalis ngayon. Wala na akong ibang magagawa pa para kay Dawn... kailangan ko nalang magpatuloy sa aking buhay...

Inalalayan namin ni Amanda si Luna. Inilagay ko ang kaliwang kamay ni Luna sa aking balikat at hinawakan ko ang kanyang bewang. Inilagay din ni Amanda ang kanang kamay ni Luna sa kanyang balikat.

Eclipse [Time Traveler Series #2] ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon