Eclipse 19

21 2 1
                                    

○○○●○○○

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

○○○●○○○

Chapter 19: Aftermath

Third Person's POV 

Mabilis na pinaharurot ng lalaki ang kanilang sasakyan. Habang nagdri-drive ay hindi niya magawang pigilan ang sarili sa pagtingin sa side view mirror.

Sh*t may nakasunod nga sa amin.

Isip ng lalaki kaya mas lalo niyang bimilisana ng pagtakbo ng sasakyan.

"Kace hindi kaya mga tauhan ni dad yan?" Tanong ng babaeng nakaupo sa shotgun seat. Hawak hawak niya ang sanggol na anak nila sa kabilang kamay habang hawak naman nung isang kamay niya ang cellphone. Nakabalot ng puting tela ang mahimbing na natutulog nilang anak.

Tatawag na sana siya ng 911 ngunit biglang nagbrake si Kace kaya muntik na silang mauntog sa harap ng sasakyan buti nalang at nakaseatbelt silang dalawa.

"Sh*t dead end!" Sigaw ng lalaki kaya dali dali siyang nag- u-turn habang malayo-layo pa ang sasakyang naghahabol sa kanila ngunit hindi niya alintana na malapit na pala ito sa kanila at bigla silang binangga nung itim na sasakyan kaya dahil sa malakas na impact ay nabangga sila sa poste.

Pinrotektahan ng babae ang kanilang sanggol na anak habang nauntog ang ulo nilang dalawa dahil sa malakas na impact dahil sa kanilang pagkakabangga.

Narinig ng babae ang pagbasag ng bintana sa kanilang sasakyan at ramdam niya sa kanyang buong katawan ang mga bubog nito.

Dahan dahang napalingon ang babae sa kanyang asawa ngunit nakita niya itong duguan at hindi na niya binubuksan ang kanyang mata. Puno ng dugo ang kanyang mukha at may mga bubog din sa buo niyang katawan. Pilit niya itong inabot at inalog ngunit hindi ito gumalaw.

"Kace? Kace honey sumagot ka please... huwag mo akong iwan.." saad ng babae at naramdmaan niya ang pagtulo ng kanyang luha.

Umti unti na ding nanglalabo ang kanyang paningin kaya hinawakan niya ang kanyang malagkit na noo. Pagkatingin niya sa kanyang kamay ay muntik pa siyang mahimatay dahil sa dugong nakita niya.

Napatingin siya sa kanyang anak at nahimasmasan siya noong makitang mahimbing lang itong natutulog at walang galos na natamo.

Tinakpan niya ng kumot ang bata upang hindi giginawin.

May lumapit na lalaking nakaitim sa kanila kaya ipinikit niya ang kanyang mat dahil batid niyang ito ang nagmamaneho sa itim na sasakyang naghahabol sa kanila kanina.

"Boss nagawa ko na po.." saad ng lalaki sabay tingin sa mag-asawang walang malay. Pilit na pinipigilan ng babae ang kanyang paghinga upang mapaniwala niya talaga ang lalaki na wala na siyang buhay.

Eclipse [Time Traveler Series #2] ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon