Eclipse 3

26 2 0
                                        

●●●○●●●

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

●●●○●●●

Chapter 3: Caliginous Kingdom

Dawn's POV

Napakalamig ng hangin. Ibang- iba ang atmospera sa lugar na ito.
Nagpagulong- gulong ako dahil hindi ko inaasahang pababa pala ang lupa dito. Bahayang napunit ang aking damit dahil nadaganan ko ang isang kahoy.

Napahinto na ako sa paggulong noong nakaabot na ako sa flat surface. Nakahiga ako ngayon sa lupa habang nakatingala sa kalangitan. Napansin ko ang napakaliwanag na buwan mula dito at may kulay asul silang kalangitan.

Nanlaki ang aking mata noong marinig ang tahol ng isang lobo. Dali dali akong tumayo at noong nakita ko na ang isang pack ng mga lobo ay dali dali akong tumakbo papalayo doon, papunta sa malawak na kagubatan.

Napakabilis nilang tumakbo kaya mas lalo ko ding binilisan ang aking pagtakbo.

Pumunta ako sa lugar na ito upang malaman ang buong katotohanan sa lugar na ito ngunit hindi ko naman inaasahang malalagay ako sa bingit ng kamatayan dito.

Napakadilim ng paligid kaya hindi ko masyadong naaaninag ang lugar. Nadapa ako dahil sa nakaharang na bato kaya nasugatan ang paa ko. Hindi ko ito maigalaw dahil sa sakit kaya napapikit nalang ako dahil mukhang dito na nga ako mamamatay.

Ngunit isang minuto na ang nakalipas, hindi pa din ako nakakaramdam ng kagat ng lobo. Dali dali kong binuksan ang aking mata at pilit na tumayo. Napakunot ang aking noo noong mapansin ang isang ilaw na nagmumula mula sa kaliwang kamay ng lalaki. Kulay asul ito at sa hindi inaasahang pagkakataon, lumiwanag din ang sa akin. Napatingin ako sa aking tattoo at muntik na akong maluha dahil naglalabas na ito ng kulay golden-yellow na ilaw.

Napatingin ako sa kalangitan at napansin kong gumalaw ang araw mula sa aming kaharian at ang buwan mula dito. Tinakpan ng araw ang buwan kaya naging kulay kahel ang kalangitan.

Hindi ko inaasahang masasaksihan ko ang pagyayaring ito. Hindi ako makapaniwalang nahanap ko na ang lalaking nakatadhana para sa akin.

Nahanap ko siya sa ilalim ng Eclipse...

Ilang minuto din ang lumipas bago bumalik sa normal ang kalangitan. Unti unti na ding nawawala ang ilaw mula sa aming tattoo. Nakatingin pa din ako sa kanya at ganoon din siya.
Hindi ko masyadong maaninag ang kanyang mukha dahil napakadilim ng paligid.

Ngayon ko lang napansin na may hawak hawak siyang sandata at kulay asul din ang ilaw nito. May dugpng pumapatak mula roon at ngayon ko lang napansin ang mga nakalatay na lobo sadamuhan. Wala na itong mga buhay at nalulunod na sila sa kanilang sariling dugo.

Siya ba ang pumatay sa mga lobo? Niligtas niya ba ako?

"Sino ka?" Tanong niya. Napakalalim ng kanyang boses kaya biglang nagsitaasan ang balahibo ko.

Eclipse [Time Traveler Series #2] ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon