Eclipse 10

18 2 0
                                    

●●●○●●●

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

●●●○●●●

Chapter 10: Cottage

Dusk's POV

Lake of Fire

Pinakiramdaman ko ang mabilis na pagtibok ng aking puso habang nakatitig sa kanya.

Napakalapit namin ngayon sa isa't- isa. Bumagay ang kulay blonde niyang buhok sa kanyang morenang kutis. Nakakaagaw pansin din ang kulay green niyang mata. Sa tuwing nakikita ko siya palagi niyang pinapaliwanag ang buhay ko. I mean she literally shines everytime I see her. Dagdag mo pa ang mga fireflies na pumapalibot sa kanya ngayon.

Nakakaakit ang karikitang taglay niya.

Hindi ko alam kung kailan ko nararamdaman ito ngunit nagising nalang ako isang araw, gusto ko na pala siya.

Noong una ko siyang makita nagdadalawang- isip akong pagkatiwalaan siya. Nangangamba ako na baka isa siyang espiya sa Lucid. Nangangamba akong baka ilagay niya sa alanganin ang aking pamilya.

Ngunit habang tumatagal mas lalo ko siyang nakikilala.

Mabait siya at matulungin sa kapwa. Noong isang araw hindi ko sinasadyang makita siyang tinutulungan ang isang batang nawawala sa kagubatan na makauwi sa kanilang tahanan.

Magaling din siya sa leadership. Noong isang araw napansin niyang nag- aaway ang dalawang kasambahay sa palasyo dahil may isang nakabasag ng vase. Pinangunahan niya ang problemang iyon at kalaunan ay naresolba niya itong mag- isa.

Even though lumaki siyang mahirap... hindi iyon hahadlang sa aking nararamdaman dahil ang mga katangiang taglay niya ay ang tanging kinakailangan ko para sa magiging reyna ko sa hinaharap.

Dawn... I wish ikaw ang magiging reyna sa kaharian ko. Kailangan ko ng isang reynang mabait, mapagmahal, at maunawain sa kapwa. I want you to be my queen and I will treat you like one...

Dahan dahan kong inilapit ang kamay ko sa kanyang ulo at napatingin sa kanyang labi. Dahan dahan akong lumapit sa kanya at napansin kong napapikit siya.

Ang bilis ng tibok ng puso ko ngayon... natatakot akong baka marinig niya ito.

Sht what the f*ck are you doing Dusk? Hindi tama to.

Kaya kahit labag man sa kalooban ko ay dali dali akong lumayo at pinakalma muna ang aking sarili bago nagsalita.

"Ano ba ang ginagawa mo?" I asked at pilit na pinipigilan ang pagkakautal dahil sa kabang nararamdaman. Dali dali niyang ibinuka ang kanyang mata at kunot noong napatingin sa akin

"A-ano ba ang gagawin mo sa akin?" kinakabahang tanong niya at napapansin ko ang kahihiyang nararamdaman niya. Binigyan ko na lang siya ng isang nakakalokong ngiti upang pagaanin ang kanyang loob.

Eclipse [Time Traveler Series #2] ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon