Eclipse 6

21 2 0
                                    

●●●○●●●

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

●●●○●●●

Chapter 6: Mirror

Dawn's POV

"Luna umilaw na ba ang tattoo mo?" Kunot noo kong tanong sabay bitaw sa kanyang kamay. Napakunot naman ang kanyang noo dahil sa tanong ko.

"Yes.. nahanap ko na siya noon pa" pangiting saad niya kaya napatango ako.

Hindi.. nagkakamali lang ako. Maaaring malapit lang desnyo nito sa kanya.

Hindi pa lumiliwanag ang tattoo ni Blaze...

"Kailan? At saan mo siya nahanap?" tanong ko pa kaya dahan dahan siyang napalingon sa akin at napapansin ko na nagdadalawang isip siyang sagutin ako.

"Noong bata pa ako. Hindi nga ako sure kung panaginip lang yun dahil masyadong blurry ang pangyayari" saad niya kaya napatango ako. Maaaring panaginip niya nga lang iyon dahil ni minsan hindi sinabi ni Blaze sa akin ang tungkol dito.

"Teka... ano ba ang pinag- usapan niyo ni kuya kanina? Hindi kasi namin marinig eh" pangising tanong ni Luna kaya napabuntong hininga ako.

Naglalakad pa din kaming lima papunta sa palasyo hanggang ngayon. Nasa unahan si usk habang sabay naglalakad si dad at Amanda na nasa unahan namin. Kami ni Luna ang nahuli a paglalakad dahil busy kami sa pag-uusap.

"Wala" tipid na saad ko dahil sa totoo lang halos walang kwenta ang mga pinag- usapan namin kanina.

Nakasuot ng kulay itim na long- sleeves si Luna na may kapares na itim na skinny pants at kulay brown na boots. May nakasabit din na binocular sa kanyang leeg. Halos magkaparehas lang sila ng suot ni Amanda at dad kaya gusto ko ng matawa. Talagang pinanindigan nila ang kanilang spy outfits. Hahaha.

"Anong wala?! Hindi man lang ba kayo naging friends?" kunot noong tanong niya at may halong pagkadismaya ang kanyang boses.

"Paano kami magiging close kung palagi niya akong pinipilosopo??" inis na saad ko kaya napatango si Luna. Mukhang naiintindihan na niya ako. Hinimas niya ang kanyang baba bago ako sinagot.

"Sa bagay ganyan nga makipag-usap si kuya. Tsssk. Ano ba yan! Akala ko kayo na eh" saad niya kaya nanlaki ang mata ko dahil sa pagkagulat.

"Anong kami? Nahihibang ka na ba?" taas kilay kong tanong habang pinipilit na hinaan ang boses ko dahil baka marinig nila kami. Napalingon ako sa kanilang tatlo at mabuti nalang busy pa sila sa paglaalkad.

"Ano ka ba doon naman kayo hahantong eh dahil kayo ang itinadhana para sa isa't- isa" pangising saad niya kaya napailing ako. Bahagya niya pang tinusok ang tagiliran ko upang mas lalo akong mainis.

"Hindi ko nga maintindihan kung bakit kami itinadhana... magkaibang- magkaiba kami ng ugali" kunot noo kong tanong kay Luna habang nakatingin ng diretso sa kanyang mata. Napahinto siya sa pagtusok ng aking tagiliran at biglang sumeryoso ang kanyang mukha.

Eclipse [Time Traveler Series #2] ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon