Eclipse 2

23 2 0
                                    

○○○●○○○

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

○○○●○○○

Chapter 2: Eclipse

Dawn's POV

Noong unang panahon, dumating ang pinakaunang tao dito sa Lucid Kingdom gamit ang isang bangka. Kalaunan ay dumami ang mga taong napadpad sa lupaing iyon kaya nagtatag sila ng kaharian. Ang kahariang ito ay tinatawag na Lucid Kingdom. Isang kahariang palaging sumisikat ang araw. Natuklasan din nila ang lugar na katabi nito at natakot sila dahil napakadilim doon. Inanunsiyo ng hari na kung sino man ang lalabag sa mga patakaran ng kaharian o ang mga naiiba sa kanila, ipapatapon ito sa lugar na iyon. Nagkaroon ng kambal na anak ang hari at reyna ngunit hindi nila inaasahang kakaiba ang isa nilang anak. Hindi kayang ipatapon ng hari at reyna ang isang anak nila ngunit wala silang ibang pagpipilian. Kapag hindi iyon ginawa ng hari, siya ang matatapon sa lugar na iyon dahil sa paglabag ng patakaran.

Itinapon ng hari ang anak nila at itinuon ang kanyang pansin sa pagpapalaki ng kanilang isang anak. Hindi matanggap ng reyna ang ginawa ng hari kaya palihim niyang binibisita ang anak upang alagaan ito. Ginawan niya ito ng maliit na bahay at binibigyan ng pagkain. Sampung taon din niya itong ginawa at noong nalaman ng hari ang pinaggagawa niya, ikinulong niya ito sa sariling silid.

Lumaki ng may puot sa galit ang anak nilang ipinatapon niya kaya bumuo siya ng kaharian sa lugar na iyon at tinawag itong Caliginous Kingdom. Nagtipon- tipon doon ang lahat ng taong ipinatapon sa Lucid Kingdom. Isang taon nilang pinaplano ang paghahasik ng lagim.

Noong nakoronahan ang kanyang kakambal sa Lucid Kingdom ay ginamit niya ang pagkakataong iyon upang umatake at magdiklara ng digmaan. maraming nasawing mga sundalo sa Lucid Kingdom kaya naisipan ng hari na magtatag ng malaki at mataas na pader na magpapagitna sa dalawang kaharian.

Nahinto ang digmaan ngunit hanggang ngayon may namumuo pa din na tensyon sa pagitan ng dalawang kaharian.

Iyon ang nakasaad na aming kasaysayan.

Ngunit ibang- iba ang nakasaad sa Caliginous...

Huminto ako sa tapat ng painting ni haring Eleodoro. Siya ang pangalawang hari ng aming lugar at ang haring isinasaad sa aming kasaysayan. Ang haring may kakambal na ipinatapon sa Caliginous Kingdom.

Kulay puti ang suot niya at suot suot niya din ang koronang sinusuot ni ama ngayon. May dala dala siyag sceptre at orb sa dalawang kamay habang diretsong nakatingin sa kanyang harap. Napakaganda ng painting dahil para talagang nandito siya sa aking harap ngayon.

Napakunot ang aking noo.

Ano ba talaga ang totoong nangyari?

Sino ba talaga ang nanguna sa digmaan?

Napatingin ako sa itim na librong hawak ko. Naglalaman dito ang kasaysayan ng Caliginous Kingdom ngunit noong natapos ko itong basahin, mas lalo akong naguluhan dahil ibang- iba ito sa aming kasaysayan.

Eclipse [Time Traveler Series #2] ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon