Eclipse 26

8 1 0
                                    

○○○●○○○

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

○○○●○○○

Chapter 26: Escape

2 hours ago

Dusk's POV 

"I love you" saad ko sabay sarado sa pinto ng kwarto ni Dawn. Tumigin ako sa paligid at nagbabakasakaling walang makakakita sa akin.

Noong makumpirma kong wala nang tao sa hallway ay pasimple akong naglakad papunta sa pinakamalapit na hagdan. Isinuot ko ang hood ng aking cloak at itinago ang aking mukha.

Kailangan kong makakita ng uniporme sa isang kawal upang hindi ako mahirapang makapunta sa dungeon. Ngunit papaano ko gagawin yun?

"Subukan nating bumaba baka mahanap natin siya sa hardin" noong marinig ko ang boses na iyon ay dali dali akong nagtago sa gilid ng pader at sinilip sila.

Dalawang kawal ang naglalakad ngayon sa hallway at napansin kong nagmamadali sila sa pagbaba ng hagdan.

Napahinto ag isang kawal kaya dali dali akong nagtago.

"Teka lang may naiwan ata ako sa ikatatlong palapag" saad ng isa kaya inis na napabuntong hininga ang kasama niya.

"Sige sige pumunta ka muna doon pero siguraduhin mong makakapunta ka sa hardin kaagad dahil malalagot talaga tayo sa mahal na hari kapag---"

"Oo na oo na. Mauna ka na muna" saad niya kaya narinig ko ang tapak ng pagbaba nung isang kawal. Inihanda ko ang aking sarili dahil papunta na dito sa pwesto ko ang isang kawal. Noong mapansin kong naglalakad na siya palagpas sa akin ay dali dali ko siyang hinila at tinakpan ang kanyang bibig.

Nagulat siya dahil sa ginawa ko at sinubukan niyang makawala sa pagkakahawak ko ngunit mas malakas ako sa kanya. Hinila ko siya papunta sa gilid. Dahan dahan kong binuksan ang pinto ng isang kwarto at nahimasmasan ako noong makitang bakante ito. Ipinasok ko siya sa loob at dali daling sinara ang pinto.

Napaupo siya sa sahig dahil sa malakas na pagtulak ko sa kanya.

"S-sino ka ba?" Kunot noo niyang tanong at pilit na tinatapangan ang kanyang loob.

Dahan dahan kong inilabas ang aking kapangyarihan at kasabay nun ang pagbaba ko sa hood ng aking cloak. Unti unting naging hugis espada ang kulay asul na ilaw na lumalabas mula sa aking kamay.

Napakunot ang kanyang noo habang nakatitig sa akin.

"Hindi ka taga rito..." tanging saad niya kaya napangisi ako.

"Hindi nga.. Kaya kung nais mong makaligtas dito, ibigay mo sa akin ang iyong uniporme at huwag kang magsusumbong kahit kanino tungkol sa pangyayari ngayon" saad ko kaya kukunin na sana niya ang kanyang espada mula sa kanyang likuran ngunit nanlaki ang kanyang mata dahil wala na ito doon. Kinapa niya ang kanyang katawan ngunit wala talaga.

Eclipse [Time Traveler Series #2] ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon