Eclipse 22

11 1 0
                                    

○○○●○○○

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

○○○●○○○

Chapter 22: Curse

Dawn's POV

Well sh*t...

Tuluyan nang nabuksan ni ina ang pinto kaya dali dali kong tinulak si Dusk papasok sa ilalim ng higaan ko. Nagulat siya dahil sa ginawa ko ngunit nagtago din siya kalaunan upang hindi makita ni ina.

Nag-dive naman ako sa higaan at pilit na nilalaro ang mga kuko ko. Nakapasok na si ina at dali dali niya akong hinanap ngunit napakunot ang kanyang noo dahil sa inaasta ko.

Please huwag kang manghinala....

"Anak!" Saad niya at dali daling lumapit sa akin at niyakap ako. Nanlaki namana ng aking mata dahil sa gulat.

Bakit niya ba ako niyayakap? Minsan niya lang itong ginagawa.

"Na-miss kita..." sabi niya pa at mas lalong hinigpitan ang pagkakayakap sa akin. Napalunok nalang ako at nagdadalawang- isip kung yayakapin ko ba siya pabalik o hindi.

"A-ako din" saad ko at maya-maya pa ay pinakawalan na niya ako. Umupo ako ng maayos kaya tumabi din siya sa akin.

"Ayos ka lang ba? Kumain ka na ba? Baka nauuhaw ka?" Sunod sunod na tanong niya kaya napailing ako. Kailangan ko na siyang paalisin upang makaalis na si Dusk. Itatakas niya pa ang dad niya.

"Okay lang ako ina. Kumain na ako kanina" pangiting sabi ko kaya nahimasmasan siya. Napakunot ang kanyang noo noong mapansing medyo nakabukas ang pinto ng aking veranda.

Shyet akala ko sinara ko na yun kanina? Napalunok nalang ako at pilit na inaalisa ang kanyang mukha.

"Bakit nakabukas ang veranda mo?" Tanong niya kaya napakurap ako ilang beses.

Shyet mag-isip ka ng alibi Dawn...

"Nagpapahangin po kasi ako kanina" pangiting sabi ko ngunit parang hindi siya nakumbinsi sa sinabi ko.

"Hindi ba hindi mo naman yan binubuksan ang veranda mo dahil ayaw mong may makapasok na hangin?" Tanong niya kaya napakagat ako sa aking labi.

Shyet may point si ina. Ni minsan hindi ko binuksan ang veranda ko dahil ayaw kong may makapasok na hangin. Shyet ano ba ang pwede kong idahilan? Uhm... mag- isip ka Dawn shyeeet...

"Gusto ko lang po ng fresh air hehe alam niyo na napakaraming nangyari sa akin noong mga nakaraang buwan kaya---"

"At bakit may nakapasok na kuwago at soro (fox) dito sa loob ng kwarto mo?" Tanong niya habang nakatingin kay Lumina at Arrow na kasalukuyang naglalaro ngayon. Nakatuntong sa lamesa si Arrow at nakatingin ito kay Lumina ngayon habang si Lumina naman ay pilit na inaabot si Arrow upang makaipaglaro sana sa kanya.

Eclipse [Time Traveler Series #2] ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon