●●●○●●●
Chapter 13: Truth or Death
Dawn's POV
"Itigil niyo na ang kung ano mang namamagitan sa inyong dalawa.Hindi kayo pwedeng magkatuluyan dahil kaakibat ng pagmamahalan ninyo ay kamatayan... may masamang mangyayari kapag ipagpapatuloy niyo pa ito..."
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko habang nakatitig sa manghuhula. Napakaseryoso niya ngayon kaya hindi ko mapigilang hindi kabahan.
"This is nonsense" sabi ni Dusk at inilayo niya ang kanyang kamay mula sa manghuhula bago tumayo. Napakunot naman ang aking noo dahil sa sinabi niya.
"Dawn let's go" saad niya pa sabay talikod. Dali dali naman akong tumayo at nagbigay-galang muna sa manghuhula bago tuluyang umalis. Hinawakan ko ng napakahigpit si Lumina upang hindi na siya makawala pa. Buti nalang at mahimbing na siyang natutulog ngayon habang yakap yakap ang bulaklak na ibinigay ni Dusk kanina.
"Dusk hindi mo dapat ginawa yun. Mukhang nasaktan ang manghuhula dahil sa sinabi mo" saad ko noong tuluyan na kaming nakalabas sa booth. Biglang napahinto si Dusk at napansin ko ang pagyukom niya sa kanyang kamao bago ako nilingon.
"Talaga bang naniniwala ka sa mga ganoon?" inis na tanong niya kaya napahinto ako. A-ano ba ang problema niya? Kanina lang pumayag siyang magpahula ngunit ngayon biglang ayaw na niya ulit.
"Wala namang mawawala kung paniniwalaan ko yun o hindi" saad ko kaya napaiwas siya ng tingin at huminga ng napakalalim na para bang pinapakalma ang kanyang sarili.
"Kung nainiwala ka doon... pwes ako hindi." saad niya at bago pa man siya tumalikod may ibinulong siya.
"Ayokong maniwala na kamatayan ang kapalit ng ating pagmamahalan dahil nais pa kitang makasama" hindi ko masyadong narinig ang sinabi niya dahil napakahina nito at napakalakas pa ng musika na pinapatugtog ni Luna sa stage.
"Ano?" tanong kong muli ngunit napabuntong hininga lang siya at iniwan ako.
Susundan ko na sana siya ngunit nakarinig ako ng isang sigaw. Isang sigaw na ninanais kong hindi ko na narinig pa.
"DUSK AT DAWN MGA HAYOP KAYOOOOO!!!" hinanap ko ang boses na iyon at nanlaki ang mata ko noong mapansing tumatakbo ng napakabilis si Amanda sa left side ko. Hawak hawak niya kanyang palda upang mapabilis ang kanyang pagtakbo at binigyan niya ako ng 'patay-ka-talaga-sa-akin-look' kaya bigla akong kinabahan.
Tatakbo na sana ako dahil palapit na palapit na talaga siya sa pwesto ko at hindi man lang niya binagalan ang kanyang pagkakatakbo. Ibinaba ko muna si Lumina dahil may masama akong feeling dito.
Dadaganan niya ba talaga ak---
Dinaganan nga ako ni Amanda kaya nawalan ako ng balanse at natumba kaming dalawa. Mabuti nalang at nasa unahan lang si Lumina kaya hindi siya nasali pero nagising siya dahil sa ingay namin. Hawak hawak ng dalawang kamay niya ang leeg ko ngunit hindi naman niya iyon hinigpitan ng pagkakahawak.
BINABASA MO ANG
Eclipse [Time Traveler Series #2] ( Completed )
FantasyDalawang panig, dalawang kaharian, isang digmaan. Mga sandatang nagsisilabasan, mga sundalong nakikipaglaban, mga dugong nagpapatakan. Paano ba kami humantong sa ganito? Nagmahal lang naman ako ngunit bakit digmaan ang kapalit nito? Kung maibabalik...