Eclipse 16

18 2 0
                                        

●●○●●●

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

●●○●●

Chapter 16: Blood Moon

Dawn's POV

Nandito na naman ako... nandito na naman ako sa hardin kung saan kulay kahel ang kalangitan.

Dali dali kong hinanap ang babae dahil natatakot akong gumising muli. Gusto ko muna siyang tanungin bago ako gumising.

Nakita ko siyang nakatayo sa harap ng puno kung saan ipinaliwanag niya sa akin ang tungkol sa mga henerasyong tinangkaan niyang pagsabihan tungkol sa sikreto ng aming pamilya.

"Can't you just tell me kung ano ba ang sikretong nais mong sabihin sa akin?" Diretsong tanong ko kaya dahan dahan siyang napalingon sa akin.

Suot niya pa dina ng kulay pulang bestida niya ngunit nakakapagtaka dahil nakapaa lang siya ngayon.

Napangiti lang siya dahil sa sinabi ko.

"I wish ganoon lang kasimple ngunit... hindi ko iyon magawang sabihin sa iyo ng diretso... isa iyon sa mga ipinagbabawal sa mundong ito." Saad niya kaya napabuntong hininga ako.

Well it was worth a shot. Hindi nga talaga niya masasabi sa akin ngayon ang tungkol sa sikreto.

"Dawn kailangan mo nang umalis sa Caliginous Kingdom.." saad niya kaya napakunot ang aking noo. Bakit ba? Dahil ba gusto niyang mahanap ko na ang sikreto ng aming pamilya sa lalong madaling panahon?

"Bakit?" Kunot noo kong tanong.

Sasagot na sana siya ngunit bigla siyang napahinto. Bigla siyang nawalan ng balanse at tutulungan ko sana siya ngunit biglang lumagpas ang aking kamay sa kanyang katawan. Mabuti nalang at nakahawak siya sa puno kaya hindi siya tuluyang natumba.

"Ayos ka lang po ba?" Tanong ko habang nag-aalalang nakatingin sa kanya. Napahawak siya sa kanyang noo at dahan dahang napatimgin sa akin.

Ngunit mas lalo lang napakunot ang aking noo dahil sa kakaibang titig niya sa akin.

"You're too late..." saad niya at napaiwas ng tingin.

"Anong---"

"Huli ka na Dawn... Dahil sayo... dahil sayo magkakagulo muli ang dalawang---"

Napabalikwas ako ng bangon kaya biglang umikot ang buong paligid. Napalingon ako sa paligid at napasuntok ako sa aking kumot noong marealize kong nagising na naman ako.

"Sh*t!" Ang lapit ko na... malapit na sana niyang matapos ang kanyang huling sasabihin... bakit kailangan ko pang magising ng maaga??!

"Dawn ayos ka lang ba?" nakarinig ako ng katok sa pinto kaya natauhan ako.

Eclipse [Time Traveler Series #2] ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon