Eclipse 30

8 1 0
                                    

○●○●○●

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

○●○●○●

Chapter 30: Kingdoms

Luna's POV

Magkahawak kamay kami ngayon ni Blaze habang nakatimgin sa isa't-isa. Nakasuot ako ng puting wedding gown habang nakasuot naman ng itim na suit and tie si Blaze.

"Malapit na po tayong matapos" saad ng nagpipintura ng aming portrait. Nakaupo siya ngayon sa tapat namin at seryoso kaming ginuguhit.

Kakatapos lang ng aming kasal ngunit nakakapagtaka dahil himdi man lang pumunta sina kuya at Dawn.

Nasaam kaya sila?

"Hindi ba sinabihan mo sina Dawn at kuya na pumunta sa kasal natin mahal?" Tanong ko kay Blaze kaya tumango siya.

"Nangako si Dawn na pupunta siya. Nakakapagtaka nga at hindi sila nakarating" saad niya pa kaya napakunot ang aking noo.

Hindi maganda ang kutob ko dito...

"Tapos na po tayo" saad ng nagpipintura kaya nilapitan namin ang gawa niya.

Napangiti nalang ako dahil sa napakagandang portrait na nagawa niya.

"Maraming salamat" saad ni Blaze kaya nagpasalamat din siya dahil siya ang napili namin.

"Ipapadala ko nalang ito sa bahay niyo" saad niya pa kaya pangiti akong tumango.

"M-mahal na prinsesa!" Sigaw ng isang kawal kaya sabay kaming napalingon sa kanya.

Hingal na hingal siya ngayon at pilit niyang hinahabol ang kanyang hininga.

"May masamang balita po akong sasabihin sa inyo" saad niya kaya bumilis ang pagtibok ng aking puso dahil sa kabang aking nararamdaman.

"A-at ano iyon?" Tanong ko. Hinawakan naman ni Blaze ang aking kamay dahil batid niyang kinakabahan din ako katulad niya.

"Inatake po ng mga rebelde ang mahal na reyna at hari pati na din ang prinsesa. Inatake sila habang papunta po dito" saad niya kaya biglang nanghina ang aking paa. Inalalayan naman ako ni Blaze.

"Nasaan sila ngayon?" Saad ni Blaze habang seryosong nakatingin sa kawal.

"Ituturo ko po sa inyo" saad niya kaya sumunod kami sa kanya.

"Sigurado ka bang ayos ka lang? Magpahinga ka muna at ako nalang ang pupunta---"

"No I'm fine... Gusto kong makumpirma na ayos lang sina kuya" saad ko kaya nag-alinalangan siya kung papayag ba siya sa sinabi ko.

"Fine... let's go then" saad niya at hinila ako papaalis sa simbahan.

Sumakay kami sa kalesang pagmamay-ari namin at sinundan namin ang kabayong sinasakyan nung kawal.

Eclipse [Time Traveler Series #2] ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon