Dalawang panig, dalawang kaharian, isang digmaan.
Mga sandatang nagsisilabasan, mga sundalong nakikipaglaban, mga dugong nagpapatakan.
Paano ba kami humantong sa ganito?
Nagmahal lang naman ako ngunit bakit digmaan ang kapalit nito?
Kung maibabalik...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
●●●○●●●
Chapter 4: Dusk
Dawn's POV
"Siya ba ang hapunan natin?"
MAHAL NA ARAW PATAWARIN NIYO PO AKO AT AKO'Y NAGKASALA. SORRY PO AT PUMUNTA AKO DITO NG WALANG PAHINULOT SA INYO. KUNG KAYO'Y NAGAGALIT SA AKIN SORRY PROMISE HINDI KO NA PO UULITIN ITO.
AMA SORRY PO SA SINABI KO NGUNIT TO BE HONEST TOTOO NAMAN YUN SO BAKIT BA AKO NAGSO-SORRY.
Ito na ba talaga ang katapusan ko? Shyet akala ko ba magkaibigan na kami ni Luna? Kaya ba nila ako pinapunta dito dahil nahanap na nila ang kanilang hapunan? Ako ba ang nahuli nila sa kanilang pangangaso?
Waaaaaaa
"HAHAHAHAHAHAHAHA" halos sabay na tawa ng hari at ni Luna kaya napakunot ang aking noo.
Napahawak silag dalawa sa kanilang tiyan dhil sa kakatawa. Pilit namang pinipigilan ni Dusk at ngiti niya.
Pinagti-tripan ba nila ako?
"Sorry it's just... hahaha nakakatawa talaga ang reaction mo" natatawang sabi ng hari kaya napataas ang kaliwang kilay ko.
Ano??? So pinagti-tripan nga nila ako?
"Bakit ba kanina ka pa nababahala? Natatakot ka ba sa akin?" Tanong ng hari at dahan dahang huminto sa pagtawa.
"Hindi niyo naman po ako kakainin hindi ba?" Awkward na tanong ko kaya napatawa siyang muli. Tumawa din ako pero yug parang 'bat-ba-ako-natatawa?' na tawa.
"Bakit? Gusto mo bang maging hapunan namin?" Tanong niya habang nakatitig ng diretso sa aking mata. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa kaba dagdag mo pa ang ngising ibinibigay niya sa akin. Nahihirapan ako sa pagtukoy kung nagbibiro ba siya o seryoso.
"Relax hija. Nagbibiro lang ako." sabi ng hari sabay ngiti sa akin.
"So hindi niyo po ako kakainin?" pagka- klaro ko kaya napatango ang hari. Napabuntong hininga nalang ako dahil dahan dahan ng humuhupa ang kabang nararamdaman ko.
"Tao lang din naman kami hija. Hindi kami kumakain ng kapwa." dagdag pa ng hari kaya bigla akong nakaramdam ng guilt. Ang sama ko naman. Hinusgahan ko kaagad sila.
"Uto- uto" bulong ni Dusk na nasa gilid ko kaya dali dali akong napatingin sa kanya at tinaasan siya ng kilay. Nanlaki ang mata niya dahil hindi niya inaasahang maririnig ko iyon.
"Dad siya po si Dawn. Nahanap namin siya sa tapat ng Forbidden Wall. At..." sabi ni Luna at dahan dahang lumapit sa kanyang ama. Inilagay niya ang kanyang kaliwang kamay sa tenga ng ama upang hindi namin marinig ang kanyang sasabihin.