●●●○●●●
Chapter 12: Forewarning
Dawn's POV
Napakaganda ng mood ko ngayon. Napakaganda din ng panahon. Malakas ang simoy ng hangin kaya bahagyang tinangay nito ang buhok ko. Inangat ko ang aking paningin at nakitang napakaraming mga bituin sa kalangitan.
Napalingon ako sa aking gilid at napangiti ako dahil sabay kaming naglalakad ni Dusk ngayon papuntang bayan.
May festival kasing magaganap at inaya ako ni Dusk na pumunta doon kasama siya.
Flashback
Napakunot ang aking noo noong mapansing abala na naman ang mga kasambahay sa paglilinis sa buong palasyo. Naglakad ako pababa dahil hahanapin ko sana si Luna.
Magpapaalam na sana ako... dahil babalik na ako sa Lucid ngunit hindi ko siya nakita. Pati na din ang mahal na hari.
Nasaan kaya sila?
"Saan ka pupunta?" Muntik na akong mapatalon dahil sa gulat. Dali dali kong nilingon si Dusk at nakita kong nakasandal siya sa pader habang nakacross ang arms.
Biglang bumilis ang tibok ng aking puso noong makita siya. Nakasuot siya ng maroon shirt na may katernong itim na shorts. Nakasuot din siya ng itim na boots at nakacloak. Medyo magulo ang itim niyang buhok ngunit bumagay lang ito sa kanya. May tumama din na isang strand ng buhok sa kilay niya.
Shyet.
"Hinahanap ko lang si Luna" dahil magpapaalam na ako...
"Hindi mo sila mahahanap dito ngayon. Inaasikaso pa ni Luna ang festival na mangyayari mamaya sa bayan at abala naman si dad sa pag-iinspeksiyon sa kaharian." Paliwanag niya at tumayo ng maayos. Inilagay niya ang dalawang kamay sa magkabilang bulsa bago ako tiningnan.
Kaya pala hindi ko sila mahanap...
"Dawn.." panimula niya kaya napakunot ang aking noo.
Never pa niyang ibinigkas ang pangalan ko... kaya napakabilis ng tibok ng aking puso ngayon.
Hindi siya makatingin ng diretso sa akin at halatang may sasabihin siya ngunit hindi niya maibigkas.
"Ano?" Tanong ko kaya napakamot siya sa kanyang ulo.
"If gusto mo.. pwede bang sabay tayong pumunta sa bayan? P-para masaksihan mo ang festival dito?" Tanong niya kaya napakurap ako.
A-ano? S-sabay kami? Sabay as in date? Ganoon?
Shyeeeet ang bilis mo naman Dusk.
"As a friend.." saad niya kaya unti unting nawala ang ngiti sa aking labi.
BINABASA MO ANG
Eclipse [Time Traveler Series #2] ( Completed )
FantasyDalawang panig, dalawang kaharian, isang digmaan. Mga sandatang nagsisilabasan, mga sundalong nakikipaglaban, mga dugong nagpapatakan. Paano ba kami humantong sa ganito? Nagmahal lang naman ako ngunit bakit digmaan ang kapalit nito? Kung maibabalik...