○○○●○○○
Chapter 24: Hidden Secret
Dawn's POV
"Nakauwi ka na din sa wakas" saad ng babae kaya nanlaki ang aking mata.
Nandito na naman ako sa lugar ng mga panaginip! Ito yung hardin na may kulay kahel na kalangitan.
Nakatulog ba ako kanina? Shyet gusto ko nang gumising upang masaksihan ko kung papaano itatakas ni Dusk ang kanyang dad ngunit gusto ko din munang manatili dito upang makausap ko sandali ang babae.
Nakatitig lang ako sa babae ngunit seryoso lang siyang nakatingin sa punong kahoy.
Nakakapagtaka... siya ba ang gumawa sa lugar na ito? Ang ganda kasi...
"Nahanap mo na ba ang kasagutan?" Tanong niya kaya napailing ako. Nasa tapat kami ngayon ng puno kung saan pinaliwanag niya sa akin ang mga nagdaang henerasyon.
"H-hindi pa sorry... Naging busy kasi ako dahil maraming nangyari sa lugar namin pero promise pag-gising na pag-gising ko hahanapin ko kaagad yun" saad ko at itinaas pa ang kanang kamay ko na para bang nagrerecite ng oath.
Ang dami na ngang nangyari matapos ang Blood Moon Ball na umabot ako sa point na nakalimutan ko na ang sinabi ng babae sa akin
"Kung sabagay... magkakagulo nga ang dalawang kaharian kaya nauunawaan kita ngunit kung nais mong pigilan ang digmaang magaganap sa hinaharap... hanapin mo ang kasagutan. Yun lang ang tamang paraan upang mahinto ang digmaan" saad niya kaya napakunot ang aking noo.
Mas lalo ko tuloy gustong malaman kung ano ba takaga ang ibig niyang malaman ko.
Makakahinto ito sa digmaan? Bakit naman?
***
Napabalikwas ako ng bangon at napatitig sa aking kwarto. Kailangan ko nang mahanap ang kasagutang sinasabi ng babaeng iyon.
Shyet ba't ba nakatulog agad ako kanina?
Dali dali kong kinuha ang tali sa aking buhok na nakalagay sa aking side table at tinali ang aking buhok.
Saan ko ba maaaring mahanap ang kasagutang iyon? Hindi ko naman naiintindihan ang sinabi niya sa akin noon.
"Ika'y bumalik sa inyong palasyo. Hanapin mo ang isang bagay kung saan nagsimula ang lahat at nagsisimbolo ng pagkakaisa ng dalawang kaharian... pumasok ka doon at hanapin mo ang pulang kwaderno... masasagot nito ang lahat ng katanungan mo"
Papasok ako sa lugar kung saan nalakalagay ang isang bagay kung saan nagsimula ang lahat? Nagsisimbolo ng pagkakaisa sa dalawang kaharian? Hanapin ko ang pulang kwaderno?
BINABASA MO ANG
Eclipse [Time Traveler Series #2] ( Completed )
FantasyDalawang panig, dalawang kaharian, isang digmaan. Mga sandatang nagsisilabasan, mga sundalong nakikipaglaban, mga dugong nagpapatakan. Paano ba kami humantong sa ganito? Nagmahal lang naman ako ngunit bakit digmaan ang kapalit nito? Kung maibabalik...