Simula

3.1K 70 18
                                    

Simula



Napapikit ako ng mariin habang dinadamdam ang perang sinampal niya saakin. Bumaba tuloy ang tingin ko sa perang nahulog.



"Bente? Anong gagawin ko d'yan sa bente mo, Yeshena? Alam mo, ipambili mo nalang 'yan ng makakain mo, hindi ko naman 'yan magagamit!" sigaw nito saakin sabay bato saakin ng benteng binigay ko sakanya.



Kaagad ko naman iyong kinuha, halos naluluha na ako pero pinipigilan ko nalang ang aking sarili.



Tumalikod siya saakin, dahilan para doon ako nagkaroon ng tsyansa para masamaan siya ng tingin at maikuyom ang aking kamao.



Natigilan lang ako nang bigla siyang humarap saakin, bigla kong binalik ang itsura kong nakakaawa.



"Oh, anong tinitingin tingin mo d'yan? Ang sabi ko, wala akong mapapala d'yan sa benteng binigay mo saakin. Mabuti pa, bumili ka ng makakain mo d'yan sa tabi tabi!" sigaw nito saakin at sinenyasan akong lumabas na ng bahay.



Suminghap naman ako at pagkatapos ay lumabas na ng maliit naming bahay. Agad namang bumalot saakin ang samu't saring amoy.



Bumuntong hininga ako at lumapit sa pinaka-malapit na tindahan saamin. Dito kasi ako madalas bumibili ng mga gusto kong kainin.



Hindi ko tuloy maiwasang mainis sakanya. Nanghihingi siya saakin ng pera, edi ang ginawa ko ay binigyan ko siya ng bente dahil iyon lang ang mayroon ako.



At s'yempre, ang naging resulta ay binato niya lang iyon sa pagmumukha ko. Hindi niya matanggap ang naibigay ko.



Well, ganoon naman talaga siya, nagtataka pa nga ako dahil parang hindi pa ako nasanay sakanya.



Siya kasi, wala 'yang pakealam sa maliit na pera lang. Kumbaga, parang ang tanging nakikita niya lang ay ang mga malalaking halaga ng pera.



"Pabili po…" katok ko sa tindahan.



Kalaunan ay sumungaw mula sa bintana si Ate Lorette. Suki na niya ako dati, minsan nga, kapag wala akong pera para makabili ay pinapayagan niya akong maka-utang.



"Tinapay po," sabi ko sakanya at hindi ko na kailangang sabihin pa sakanya dahil alam na niya iyon.



Kalaunan ay binigay na niya saakin ang tinapay na hihingi ko. Binigay ko sakanya ang bente, pero nagulat ako nang hindi niya iyon kinuha.



"Huwag na, alam kong marami kang projects sa school. Idagdag mo nalang 'yan sa ipon mo." sabi nito saakin sabay ngiti.



Nag-aalangan akong tumingin sakanya. "Pero…" tutol ko pa sana.



Kaagad siyang umiling. "Okay lang 'yon, Yesh. Alam ko namang mukhang pera ang kasama mo sa bahay. Pustahan, hinihingan ka nanaman ng pera?" tanong nito saakin.



Bumuntong hininga ako at dahan dahan akong tumango sakanya. Siguro, magaan ang loob ko sakanya dahil halos malapit lang ang edad namin sa isa't isa, mas matanda lang siya ng kaunti.



"Sabi na nga ba, kaya ganyan nanaman ang itsura mo. Bakit ba kasi hindi ka nalang lumayas sainyo?" suggest nito saakin.



Agad akong umiling. "Kahit gusto ko, hindi ko naman magawa. Lalo na't may sakit siya, gusto ko ay nandoon ako at kasama siya." malungkot kong sinabi.



Sumimangot naman siya. "Sus, ganoon ba ang may sakit? Walang tigil sa kaka-yosi, parang siya na din ang gumagawa ng dahilan para mawala siya dito sa mundo." sabi niya at mapaklang natawa.



Night of Paradise (CNS#3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon