Chapter 27
Jealous
Kaagad akong napabalikwas ng bangon at ang agad na sumalubong saakin ay ang isang malawak na kwarto.
Napahawak ako sa mukha ko. Ang nga ulit ang nangyari saakin? With that, muli kong naisip ang mga nangyari kanina.
Kaagad namang kumulo ang dugo ko nang muling maalala ang nangyari. Kagagawan ito ng walang iba kung hindi si Kane! Peste talaga siya kahit kailan.
Sinasabi ko na nga ba, dapat pala ay hindi muna agad ako nagtiwala sakanya. Ayan tuloy, ang ending ay nahimatay ako dahil nilason niya ako.
Kinuyom ko ang kamao ko. Tinignan ko ang kabuonan ng kwarto. Mawalak iyon. Naiisip ko kung nasa Yacht pa ba kami.
Kaagad akong bumangon sa kama. May tsinelas doon kaya naman iyon nalang ang sinuot ko.
Wala sa sariling napatingin ako sa malaking salamin na naroon at napaawang ang labi ko nang makitang iba na ang suot kong damit.
Paano nangyari iyon? Sa pagkaka-tanda ko na, hindi naman ako nagpalit pa ng damit, at itong damit na suot ko ay sigurado akong hindi saakin.
Nalaglag ang panga ko sa mga posibilidad na naiisip ko. Hindi kaya… si Kane ang nagbihis saakin? Ibig sabihin ba no'n ay…
Hindi ko na agad tinapos ang iniisip ko dahil agad akong napasabunot sa sarili kong buhok.
Humanda talaga saakin si Kane kapag nakita ko siya! Baka mamaya, mandilim nalang ang paningin ko sakanya.
Kalaunan ay napatingin ako sa kurtinang naroon. Napakunot ang noo ko at dahan dahan iyong hinawi.
Napaawang ng tuluyan ang labi ko nang makita ang bintana, at hindi lang iyon, nakita ko sa labas na nasa dagat ko!
Ibig sabihin, nasa Yacht pa din kami at mukhang kanina pa iyon gumagalaw dahil nasa gitna na yata kami ng dagat.
Nagpa-padyak ako ng ilang beses at napasapok nalang sa ulo ko. Malamang ay kagagawan ito ni Kane. Para ano? Hindi ko alam sakanya!
Kulang nalang ay sumigaw na ako dito ng sobrang lakas. Wala na akong pakealam kung marinig man ako ng kung sino.
Natigilan lang ako nang marinig kong bumukas ang pinto sa kwarto. Agad namang lumipat ang tingin ko roon at nakita ang isang babae.
"Ano?" mataray kong tanong sakanya, alam kong isa ito sa mga tauhan ni Kane.
Dahan dahan namang pumasok sa loob ng kwarto ang babae. Pinanood ko lang siya habang pumapasok, may dala dalang mga paper bags.
Kalaunan ay nakita ko siyang pinatanong ang mga dala dala niya doon sa bed side table.
"Ma'am, pinabili po iyon saakin ni Sir. Para daw po sainyo." nahihiyang sabi nito saakin.
Umismid ako. "Pakisabi sa Sir mo na sobrang gago niya," diretso kong sabi sa babae.
"P-Po?" bakas ang kaba sa boses ng kausap ko.
"Sabihin mo sakanya, sobrang gago niya. Pati, puwede bang papuntahin mo siya dito? Kakausapin ko lang." sabi ko sa babae.
Nalaglag ang panga nito, mukhang hindi alam kung anong sasabihin or kung susundin ba niya ako.
Kalaunan ay tumango ito ng maraming beses at pagkatapos ay dali dali siyang lumabas sa kwarto.
Samantalang ako naman, lumapit doon sa bed side table para matignan kung ano iyong laman ng mga paper bags.
Napataas ang isang kilay ko nang makitang puro damit ang naroon at mga essentials ko.
Prepared na prepared, ah? Bakit, hanggang kailan ba kami dito sa Yacht niya? Base sa damit na pinamili niya, mukhang aabutin sa isang linggo.
BINABASA MO ANG
Night of Paradise (CNS#3)
RomanceCasa Novia Series #3 Kane Danton Havier is a businessman and an investigator. He already has everything, except the love he asks for from his father. What else can wealth do, if your father does not love you. Wanted his father to love him, he will d...